Suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan, natagpuang patay

Suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan, natagpuang patay

- Natagpuang walang malay sa palikuran ng Lapu-Lapu City Jail ang suspek sa pagkamatay ni Christine Lee Silawan

- Si Silawan ang dalagitang natagpuang patay, binalatan ang mukha at may ilang parte ng katawan ang nawala sa Cebu

- Ayon sa report, isinugod pa umano ang suspek, na kinilalang si Renato Llenes, sa ospital ngunit idineklarang patay na

- Matatandaang inamin nito ang karumal-dumal na krimen na naganap noong Marso 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang malay nang matagpuan ng kapwa-preso ang suspek sa pagkamatay ng dalagitang si Christine Lee Silawan sa palikuran ng infirmary cell ng Lapu-Lapu City Jail.

Si Silawan ang dalagitang natagpuang patay, binalatan ang mukha at may ilang parte ng katawan ang nawala sa Cebu, na una nang naiulat ng KAMI.

Ayon sa report ng CDN, nagpakamatay umano ang 44-anyos na si Renato Llenes at nakita ang katawan nito noong Linggo, bandang 6:00 ng umaga.

Ngunit wala pang naiulat na dahilan ng pagkamatay nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Base naman sa report ng GMA News, isinugod pa raw sa ospital si Llenes ngunit idineklara nang patay.

Matatandaang inamin nito ang karumal-dumal na krimen na naganap noong Marso 2019.

Base sa salaysay ng suspek, nagpanggap umano siya at gumamit ng pekeng account sa social media upang makipag-kilala kay Silawan.

Bago nito, itinuring pang suspek ang ex-boyfriend ng biktima na isang menor de edad.

Ilang CCTV footage rin ang inilabas ng mga awtoridad na nakuhanan ang mga huling sandali ng dalagita bago ang karumal-dumal na pangyayari.

Samantala, sa isang report ng KAMI, nabigyan naman ng tulong ng batikang broadcast-journalist na si Raffy Tulfo ang pamilya ni Silawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel