Video ng sinasabing umaatakeng kakaibang nilalang sa Iloilo, viral

Video ng sinasabing umaatakeng kakaibang nilalang sa Iloilo, viral

- Pinagkaguluhan ang video ng di umano'y pag-atake ng sinasabing kakaibang nilalang sa Barangay Lapuz sa Iloilo

- Namataan daw doon ang isang aswang na ang puntirya ay mga bata

- Mismong ang ina ng bata ang nagsalaysay na nagising na lamang sila nang magsalita ang anak nila na naroon muli ang kinatatakutan nitong nilalang at sinasabi nitong ayaw niyang sumama roon

- Maging ang isang radio commentator sa lugar ay nasaksihan ang pagsalakay ng nilalang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video na binahagi ng netizen na si Bernard Sevillejo kung saan di umano nakuhanan nila ang aktwal na pananalakay ng isang kakaibang nilalang sa Barangay Lapuz, Iloilo.

Nagkagulo ang kanilang barangay nang mamataan ang sinasabi nilang aswang sa kanilang lugar.

Ang masaklap, bata raw ang puntirya ng nilalang na ito na lalong ikinabahala ng mga residente.

Dahil dito, naghanda na ang mga residente ng kanilang mga pangontra sa pinaniniwalaang aswang sakaling umatake muli ito.

Sa kabila ng mga paghahandang ito, nabigo silang mahuli ang nilalang na umaatake sa lugar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nasaksihan din umano ng radio announcer na si Aldrin Soquena ng RMN Iloilo ang sinasabing pananalakay ng nilalang.

"Kung siya ay lumukso parang palaka, kahit na gabi, nagre-reflect yung green na kulay. nanilisik yung mata na nagbabaga," pahayag ni Aldrin.

"Almost 100 feet na layo ng bubong na tinalon niya, posibleng malakas yun ma'am" dagdag pa niya.

Ayon naman sa Barangay Kagawad na si Ryan Tatchado, malaking nilalang umano ang kanyang nakita at iyon daw ang nangunguha ng bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Dati hindi ako naniniwala, nang makita ko, naniniwala na ako ngayon," pahayag ng kagawad.

Samantala, agad nang pinabulaanan ng mga pulis at imbestigador ang sinasabing aswang sa kanilang lugar.

Malaki raw kasi ang posibilidad na baka taong nagtitrip lamang o ang masama ay isang taong nakakagamit ng ipinagbabawal na gamot ang gumagawa ng panggugulong ito.

Narito ang video na binahagi rin ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica