Video ng batang may sakit na hindi masamahan ng ina, umantig sa puso ng marami
- Viral ngayon ng batang may sakit at hindi masamahan ng kanyang ina
- Binahagi ng ina ang video kung saan nakatanaw lamang siya sa anak na naiyak na at mag-isa lamang siya sa kanyang kama sa ospital
- Bago matapos ang video, nag-finger heart naman ito sa ina na tila pagpapakita ng katatagan nila at pagmamahal sa isa't-isa
- Hindi raw maiwasang maluha ng ilang netizens na nakapanood ng video
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang video na binahagi ni Jaym Barit tungkol sa inang hindi masamahan ang anak.
Mapapansing isa itong TikTok video ni @jassmacuja 96 kung saan makikitang nakatanaw lang ang ina sa anak na mag-isa lamang sa kanyang hospital bed.
May caption itong "Pinakamahirap sa magulang ang di mo masamahan ang anak mo sa panahong may sakit siya."
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Napakasakit tingnan ng eksenang ito dahil hindi magawang malapitan ang anak na mag-isang nakikipaglaban sa kanyang karamdaman.
Nang makita pa ng bata ang ina, mapapansing napahawak ang bata sa kanyang mga mata.
Patuloy pa rin sa pagkaway ang ina, hanggang sa kumaway na rin ang bata na tila pinalalakas na rin ang kanyang loob.
Bago matapos ang video nakuha pang mag-finger heart ng bata na animo'y senyales nilang mag-ina ng katatagan at pagmamahal sa isa't-isa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi ito nalalayo sa naunang ulat ng KAMI kung saan ang batang lalaki na tinamaan ng COVID-19 sa Cebu ay dinaan na lamang sa pagkanta at pagdarasal ang nararamdaman.
Mag-isa lamang kasi ito dahil mahigpit na ipinagbabawal ang bantay na maaring mahawahan niya ng virus.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya 'to? Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo?
Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh