Babaeng nagpanggap na pulis, tiklo sa isang checkpoint sa Laguna

Babaeng nagpanggap na pulis, tiklo sa isang checkpoint sa Laguna

- Isang babae ang nagsuot ng uniporme ng pulis para makalusot sa checkpoint

- Nagpakilala umano siya bilang pulis na may ranggong lieutenant colonel

- Nang hingian ng ID, sinabi ng suspect na nakatalaga siya sa health service ng Camp Vicente Lim sa Calamba City

- Kinasuhan ang suspek ng usurpation of authority and illegal use of uniform and insignia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang babae ang arestado matapos mabuking na nagpapanggap lamang siya na isang pulis. Nabuking siya sa kabila ng kanyang pagsuot ng field uniform ng Philippine National Police.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sa isang checkpoint sa Laguna naharang ng otoridad at hiningian ng ID ang babae. Nagpakilala umano siya bilang pulis na may ranggong lieutenant colonel.

Ayon sa hepe ng Magdalena police na si Capt. Ronalyn Larrosa, sinabi ni Alcantara na nakatalaga raw ito sa health service ng Camp Vicente Lim sa Calamba City.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Walang maipakitang ID ang suspek kaya pina-verify ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng nagpakilalang pulis.

Ayon kay Larrosa, posibleng naging istilo na ng suspek na kinilalang si Maricel Alcantara ang pagsusuot ng uniporme ng pulis para malayang makadaan sa mga checkpoint.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Pag-amin ng suspek, isa siyang online seller ng police uniform. humingi naman siya ng tawad sa kanyang nagawa at hinahanap lang daw niya ang nobyong pulis na nang-iwan sa kanya.

Kinakaharap ni Alcantara ang kasong usurpation of authority and illegal use of uniform and insignia.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong-uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo? Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate