Ilang estudyante sa China, nahawaan ng coronavirus matapos muling magbukas ang mga paaralan
- Unti-unting nagbukas ang mga establisyemento sa China matapos itong isailalim sa lockdown
- Kabilang sa mga nagbukas ayon sa mga ulat ay ang mga paaralan at balik eskwela na rin ang mga estudyante
- Kasunod nito ay mayroon umanong nahawaan na mga mag-aaral sa kabila ng mga pag-iingat na kanilang ginawa
- Napabalita kamakailan ang muling pagsasailalim sa lockdown isang lungsod sa Wuhan matapos maitala ang mga bagong kaso ng COVID-19
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos ang lockdown sa iba't-ibang lungsod sa China, unti-unti nang binuksan ang mga establisyemento at mga negosyo. Kabilang na sa nagbukas ay ang klase. Upang maiwasang magkalapit, inatasan ang mga magulang na pagsuotin ng sumbrerong may nakakabit na isang metrong ang haba upang mapanatiling magkakalayo ang mga mag-aaral.
Nakasuot din ng mga mask ang mga bata.
Ayon sa ulat ng The Epoch Times, ilang mga netizens umano mula sa China ang nagpakita ng tunay na sitwasyon sa China sa kabila ng mga balitang halos wala nang kaso ng coronavirus.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa isang video, makikita ang puting banner na may mga salitang nangangahulugang “Right to Know, Why Cover-Up” at isang itim na banner na nagsasabing, “Injustice! Lost Lives.”
"Give My Child Back, Give Me The Truth," ito rin ang isa sa mga nakasulat sa nakakabit na banner.
Ayon sa lalaking kumukuha ng video, hindi pa umano nagpapaliwanag ang paaralan matapos isang mag-aaral ang nasawi.
Ayon pa sa ulat, isang netizen ang nagsabing nagka lagnat ang isang bata pero sa halip na dalhin sa doktor o ipaalam sa mga magulang ang kalagayan ng bata, ibinukod nila ang bata. Pinagpapaliwanag ng mga magulang ang paaralan tungkol sa nangyari sa bata.
Isang ambulansiya naman umano ang namataan sa labas ng isang paaralan sa Henan Province habang ilang mga taong nakasuot ng protective gears ang namataan din.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
“Ambulance workers wearing protective clothes have arrived. They are outside of No. 2 Middle School in Pingdingshan City, Henan Province. Four students have been removed. It is really frightening to see this," ani ng babaeng kumukuha ng video ayon na sa pagsalin ng The Epoch Times.
Matatandaang unang naitala ang kaso ng COVID-19 o unang nakilala sa tawag na NCOV sa Wuhan China. Kasunod nito, isinailalim sa lockdown ang mga lungsod na pinakaapektado ng virus. Matapos ang ilang buwan, kumalat na ito sa iba't-ibang bahagi ng mundo at patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong nag po-positibo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Isa Ka Ba Sa May Ka- QuaranFLING? Sa quaranFLING may leveling daw ang landian. True kaya to. Dahil sa ECQ usong uso ito. Kung sayo ba ’to nangyari, aasa ka ba dapat o hanggang MAY 15 lang kayo? Ano masasabi nyo?. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh