Babae sa viral video na nagmatigas lumabas ng walang pass at mask, arestado na

Babae sa viral video na nagmatigas lumabas ng walang pass at mask, arestado na

- Nag-viral ang video ng isang babae na matapang na lumabas ng bahay na walang mask at walang quarantine pass

- Ang masama pa rito, nang sitahin siya ng mga bantay ng checkpoint, nakipagmatigasan pa ito

- Nauwi sa sagutan at diskusyon ang pangyayari at nagawa pa umano nitong manlaban sa mga pulis

- Dahil sa kanyang paglabag sa ECQ guidelines, mahaharap siya sa kasong alarm and scandal at unjust vexation

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan online ang viral video ng babaeng lakas loob na lumabas ng bahay na walang mask at wala pang quarantine pass.

Sa video na binahagi ng netizen na si Axis AppleMheann Adevino makikita ang isang babaeng may dalang bag na iaabot lamang daw niya sa taong nasa kalsadang naka-hard lockdown.

Nangangahulugan na doble talaga ang seguridad at bantay ng mga naka-hard lockdown na lugar kaya naman pinipigilan siya ng mga pulis na bantas sa quarantine checkpoint.

Ngunit matapang ang babae na nakipagmatigasan sa awtoridad.

Nauwi pa ito sa mainit na usapan at hindi rin nagpaawat ang babae.

Subalit dahil kitang-kita na lumabag ito sa patakaran ng enhanced community quarantine, naaresto ang babae at ngayo'y nahaharap sa kasong alarm and scandal at unjust vexation.

Narito ang larawang na ngayon ng babaeng nakilalang si Mickaela Manzon na binahagi naman ng netizen na si Jowie Orale:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paalala ng Department of Health, hindi biro ang COVID-19 kaya naman paulit-ulit nilang pinapaalala ang kahalagahan ng face mask at lumabas lamang kung kinakailangan.

Isa kada pamilya ang may hawak ng quarantine pass kaya naman nalilimitahan dapat ang paglabas ng tao sa kani-kanilang mga tahanan.

Kasalukuyan pa ring naka-enhanced community quarantine ang buong Kamaynilaan at magiging modified enhanced community quarantine ito pagpatak ng Mayo 16 na tatagal hanggang Mayo 31.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica