Mga video tungkol sa buhay ng mga "meses", nagpapasaya sa mga netizens ngayong ecq

Mga video tungkol sa buhay ng mga "meses", nagpapasaya sa mga netizens ngayong ecq

- Mabilis na nag-viral ang mga videos ng internet sensation na si John Michael Villaflor

- Marami kasi ang nakaka-relate sa kanyang mga video lalo na ang mga "meses" (misis) na laging laman ng kanyang mga kwento

- Bukod dito, agaw eksena pa ang kanyang punto at proud siya sa kanyang bayan, ang Infanta, Quezon

- Ayon sa mga netizens, malaking bagay na nagbabahagi ng mga nakakaaliw na videos si John Michael dahil naiibsan ang kanilang lungkot, takot at anumang di magandang nararamdaman ngayong dumadaan sa matinding krisis ang bansa dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang instant internet star na si John Michael Villaflor dahil sa kanyang mga nakakatuwang videos.

Patok na patok ito sa mga netizens lalo na noong sumailalim ang karamihang bahagi ng bansa sa enhanced community quarantine.

Nalaman ng KAMI na ang mga videos ni VIllaflor ang nagsilbing libangan ng mga nasa bahay at talagang nag-aabang sa kanyang mga bagong post.

Kilalang-kilala na rin ng kanyang mga followers at subscribers sina "meses"(misis) at Madeng na siyang mga tauhan lagi sa kanyang mga video.

Ang nakamamangaha pa rito, karamihan sa kanyang mga short films, siya lamang ang tauhan. Ibig sabihin, siya ang gumaganap sa lahat ng karakter.

Dagdag pa sa aliw ng mga manonood ay ang punto niya sa pagsasalita bilang siya ay tubong Infanta, Quezon.

Relate na relate daw ang mga "meses" at ang mga kwento ni Villaflor ay minsan na rin nilang naranasan.

Napapanahon din ang kanyang mga videos dahil minsan na niyang natalakay ang tungkol sa COVID-19, social amelioration program, Philhealth at social distancing.

Aliw na aliw ang mga tagasubaybay niya kaya naman mayroon na siyang 305,000 followers sa kanyang Facebook page at 40,600 subscribers sa kanyang YouTube channel na "maykelismyname".

Nilarawan niya ang kanyang sarili sa kanyang Facebook page bilang comedian at talaga namang naghahatid siya ng saya sa kanyang mga kababayan lalo na sa panahon ngayon na dumaraan tayo sa krisis dulot ng COVID-19.

Talagang nakakabilib itong si "meses" dahil bukod sa pagiging komedyante, mahusay din siyang umawit.

Narito ang ilan sa kanyang mga patok sa videos mula sa YouTube:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it... Now he shares his story with us.

"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica