Isang barangay sa Caloocan City, dagsaan ang mga residente para kunin ang ayuda
- Dinagsa ng mga residente ng Caloocan City ang pagkuha ng ayuda mula sa social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development
- Dahil sa sobrang dami ng tao, hindi na nasunod ang social distancing dito na mahigpit na ipinapatupad sa enhanced community quarantine
- Sabi ng ilang residente, alas-3 pa lang ng umaga ay nakapila na sila ngunit biglang inilipat sa ibang lugar ang bigayan ng ayuda
- Umaalma na rin ang mga residente dahil sa sistema ng barangay upang makuha ang cash assistance
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tampok sa social media ngayon ang mga bidyo kung saan makikita ang sitwasyon ng bigayan ng ayuda sa isang barangay sa Caloocan City.
Nalaman ng KAMI na patuloy pa rin ang pamimigay ng mga barangay ng cash assistance na parte ng social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa isang Facebook video, alas-3 pa lang ng umaga ay nagsimula nang pumila ang mga tao para kumuha ng ayuda sa Barangay 176, Bagong Silang.
Subalit, nagkaroon daw ng problema dahil biglang inilipat daw ng barangay ang lugar kung saan sila magbibigay ng ayuda.
Bukod pa rito, makikita rin sa mga video na hindi na nasusunod ang social distancing na mahigpit na ipinapatupad ngayong may enhanced community quarantine.
Umaalma naman ang mga residente sa sistema ng barangay sa pamimigay ng ayuda.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, nauna namang naibalita ng KAMI na inabot ng madaling araw ang bigayan ng ayuda sa ilang barangay sa Quezon City.
In-extend naman hanggang May 10 ang bigayan ng social amelioration program ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh