‘Solid ABS-CBN’: 2 fans ni Coco Martin, binasag ang TV nila matapos ipa-shutdown ang ABS-CBN

‘Solid ABS-CBN’: 2 fans ni Coco Martin, binasag ang TV nila matapos ipa-shutdown ang ABS-CBN

- Nagkaroon ng iba’t-ibang reaksyon ang mga Pinoy sa pagpapasara ng TV network na ABS-CBN

- Para sa dalawang fans ni Coco Martin, wala na raw silbi ang mga TV nila matapos ang pangyayaring ito

- Kaya naman, naisip nilang basagin na lang ang mga TV nila dahil sa pagkadismaya nila

- Kamakailan ay naglabas din ng saloobin ang FPJ’s Ang Probinsyano actor na si Coco matapos ipasara ang ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Trending sa social media ngayon ang mga fans ng ABS-CBN at ang FPJ’s Ang Probinsyano actor na si Coco Martin.

Nalaman ng KAMI na matapos ang desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na ipasara ang ABS-CBN ay naging iba ang reaksyon ng mga fans dito.

Sa Facebook video ng page na RLB tv, makikita na binasag ng dalawang lalaki ang mga TV nila dahil sa dismaya.

“Coco Martin, idol, para sa’yo ito!” sabi ng isang lalaki.

May dala-dala pang t-shirt ang lalaki na may mukha ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay. Aniya, bago pa raw ang TV nila ngunit wala na itong silbi ngayon dahil tumigil na sa pagpapalabas ang ABS-CBN.

“O bago ‘tong TV ko oh. Anong silbi ng TV na ‘to? Walang ibig sabihin,” giit ng lalaki sabay bagsak ng TV niya sa sahig.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naibalita ng KAMI na naglabas ng saloobin si Coco Martin matapos lumabas ang desisyon ng NTC na ipasara ang ABS-CBN.

Isa si Coco Martin sa mga sikat na artista sa ABS-CBN. Mas naging kilala siya dahil sa kanyang role bilang si Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano na halos 5 taon na ipinapalabas sa ere.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this video, a 4Ps member replied to critics and provided an explanation as to where her cash aid goes! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel