Driver ng karo ng patay, arestado sa tangkang pagpuslit ng ilang kahong bote ng gin
- Tinangkang magpuslit ng isang lalaki sa Pangasinan ng ilang kahon ng gin
- Nahuli umano ito sa checkpoint lalo kahit pa inilagay nito ang mga inumin sa loob ng kabaong
- Mabuti na lamang at mabusisi ang mga pulis na bantay at talagang binuksan ang kabaong na props lamang pala
- Ipinatutupad ang liquor ban sa karamihang bahagi ng bansa lalo na ang mga nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Arestado ang driver ng isang karo ng patay sa Pangasinan nang tangkain nitong magpuslit ng ilang kahon ng gin.
Base sa ulat ng Philippine Star, nahuli ang driver ng karo sa quarantine checkpoint sa Binmaley.
Matinding binusisi kasi ng mga bantay na pulis at sundalo roon ang laman ng karo at sa loob ng kabaong nila nakita ang ilang kahon ng gin.
Inakala ng driver na makakalusot siya dahil sa ginamit na props, ngunit hindi ito napalampas ng mga bantay na maayos na ginawa ang kanilang tungkulin.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mahigpit kasing ipinatutupad ang liqour ban sa karamihang bahagi ng bansa lalo na ang mga lugar na nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine at isa na rito ang Pangasinan.
Ito ay upang maiwasan ang anumang kaguluhan lalo at ang mga tao at nasa kani-kanilang mga tahanan lamang sa loob ng halos dalawang buwan na.
Samantala, may ilang lugar naman na nasa general community quantine ngunit matinding pag-iingat pa rin ang ginagawa laban sa COVID-19.
Ito raw ang tinatawag ng 'new normal' ayon sa CNN Philippines kung saan may mga panuntunan pa ring dapat na sundin lalo na at hindi pa tuluyang napupuksa ang virus.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Ano nga ba ang mga benepisyo na nakukuha ng isang myembro ng 4Ps? Sino nga ba ang mga kwalipikado para sa programang ito? Karapat-dapat nga ba sila bigyan ng pondo?
4PS Member Replies To Critics, Explains Where Her Money Goes | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh