Isang grocery store worker, 3 oras ang nilalakad papuntang trabaho

Isang grocery store worker, 3 oras ang nilalakad papuntang trabaho

- Isang grocery store worker ang araw-araw na naglalakad ng tatlong oras papuntang trabaho at ganun din pauwi

- Tinitiis niyang maglakad kahit pa 8 oras siyang nakatayo sa trabaho para may kita pa rin sa gitna ng ECQ

- Ayon sa kanya, kailangan niyang gumising nang ala-una ng madaling araw upang makapasok ng maaga sa trabaho

- Ang mga grocery store workers ay ilan lamang sa mga maituturing na frontliners na tuloy ang pagseserbisyo sa gitna ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong oras ang nilalakad araw-araw ng isang grocery store worker na si Fatima Torre mula sa kanyang bahay sa Quezon City hangaang sa Caloocan City kung saan siya nagtatrabaho.

Malayo man, kinailangan niyang tiisin ito para kahit papaano ay may kita siya ngayong nasa ilalim ng ECQ ang Kamaynilaan.

Dahil walang masakyan, nagigising siya ng ala-una ng madaling araw at umaalis ng alas dos y media ng madaling araw upang makarating ng maaga sa kanyang trabaho.

"Madaming nagpa-panic buying ngayon kasi po sa COVID-19, kailangan po namin pumasok. Mga frontliners din naman po kami sa supermarket," aniya sa isang panayam sa radio DZMM.

Hindi siya nakasama sa nakakasakay sa shuttle service ng kanilang kompanya dahil malayo siya mula sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Binibigyan siya ng dagdag na P50 para sa kanyang transportasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kung tutuusin, gusto ko nang bitawan yung trabaho. Kasi 2 weeks bago mag-total lockdown dito samin sa Novaliches, sabi po sakin ng manager ko, if ever hindi po ako makakapasok, forced resignation," aniya.

"(Pero) no choice ako. Sabi ko, mahihirapan ako pag walang trabaho. So, lakad na lang." dagdag pa niya.

Ang mahirap umano para sa kanya ay ang paglalakad kapag uwian na dahil tirik pa ang araw kapag siya ay lumalabas ng trabaho.

"Imaginin niyo po, 8 hours po kaming nakatayo sa grocery store then maglalakad ka ulit ng 3 hours pauwi?"

Pagdating niya umano ng bahay, magpapahinga muna siya ng sampung minuto sa labas ng bahay bago siya maligo. Natutulog siya ng alas 7 ng gabi.

Bukas umano siya sa mga trabahong mas malapit sana sa kanilang tahanan.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate