74-anyos na Pinoy surgeon sa NY, naka-recover sa COVID-19 sa tulong ng 3 anak na mga doktor

74-anyos na Pinoy surgeon sa NY, naka-recover sa COVID-19 sa tulong ng 3 anak na mga doktor

- Masayang naka-recover sa COVID-19 ang isang Pinoy surgeon sa New York

- Malaking bagay daw sa kanyang paggaling ang pag-aalaga sa kanya ng tatlong anak na mga doktor

- Dahil sa kanyang edad, naituring na high-risk ang tama ng COVID-19 sa kanya kaya naman tila isang milagro raw ang kanyang paggaling

- Nagpositibo rin ang kanyang misis ngunit naka-recover din at maging ang dalawa sa mga anak na doktor at mga frontliners ay nagpositibo rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naka-recover sa COVID-19 and Pinoy surgeon sa New York na si Dr. Manuel Bulauitan sa edad na 74.

Ayon sa ulat ng GMA news, dalwang beses umanong nalagay sa ventilator ang doktor dahil naituring na high-risk ang kanyang sitwasyon dala ng kanyang edad.

May posibilidad na nakuha niya ang virus sa isa sa mga ospital o nursing homes na kanyang pinaglilingkuran.

Kwento ng doktor, malaking bagay sa kanyang paggaling ang pag-aalaga ng tatlo niyang anak na pawang mga doktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

74-anyos na Pinoy surgeon sa NY, naka-recover sa COVID-19 sa tulong ng 3 anak na mga doktor
source: Phillippe Bulauitan
Source: Facebook

"I became very emotional. I think I am one of the luckiest survivors to have three doctors as sons and have them care for me," pahayag ni Dr. Bulauitan sa panayam sa kanya ng Fox news.

Maging ang kanyang misis ay nagpositibo rin sa virus at gumaling sa pangangalaga rin ng kanilang mga anak.

74-anyos na Pinoy surgeon sa NY, naka-recover sa COVID-19 sa tulong ng 3 anak na mga doktor
source: Phillippe Bulauitan
Source: Facebook

Ngayong isa na siyang COVID-19 survivor, napagtanto niyang magretiro na at pagtuunan na lamang ng pansin ang paglalaan ng oras sa apat niyang mga apo.

Makailang beses na rin siyang nakabisita sa Pilipinas at naging bahagi ng mga medical missions sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica