Frontliner sa Bacolod, naglabas ng tapat na saloobin tungkol sa kanilang tungkulin

Frontliner sa Bacolod, naglabas ng tapat na saloobin tungkol sa kanilang tungkulin

- Binahagi ng isang frontliner ang kanyang saloobin sa kasalukuyang kinakarap na pandemya ng buong mundo

- Buong katapatan niyang sinabing mahirap ang kanilang ginagampanan ngayon sa laban kontra COVID-19 ngunit ito raw ang kanilang sinumpaang tungkulin

- Malaking bagay na suportado sila ng kanilang mga pamilya at nauunawaan ang kanilang serbisyo sa kapwa

- Nilahad din niya ang mga realisasyon na kanyang napagtanto sa kasagsagan ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na nagpahayag ng saloobin ang nurse na si Kimberly Villarosa patungkol sa sitwasayong kinahaharap nila bilang mga frontliners na laban kontra COVID-19.

Matatandaang si Kimberly ang nurse na nakiusap sa publiko na manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay dahil sa nais pa raw niyang makita si mayor Vico Sotto.

Ngunit bukod sa cute na viral post, mayroon pang ilang tapat na pahayag si Kimberly patungkol sa mga hirap at sakripisyong ginagawa sa araw-araw na sila'y makikipagsapalaran sa mga ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dumating pa nga raw sa puntong pinag-reresign na ang ilan sa kanila ng kanilang mga pamilya ngunit kalaunan ay nauunawaan din naman ng mga ito ang kahalagahan ng kanilang sinumpaang tungkulin sa panahon ngayon.

Hindi naman daw talaga nila ninais na matawag na bayani sapagkat ginagawa lamang nila ang dapat nilang gawin bilang health workers.

Sa kabila ng mga ito, ang higit na mahalaga ay ang mapagtanto niyang ito ang tamang panahon upang mas patatagin ang pananampalataya natin sa Panginoon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Kimberly na buong tapang niyang binahagi sa KAMI:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Mahirap para sa ibang mamamayan ang pag-extend ng ECQ. Hindi nila malaman kung saan pa sila huhugot ng pera para lamang may maipakain sa kanilang pamilya. Narito ang reaksyon ni Aling Arsenia na taga Bulacan sa balitang ito.

Bulacan Lady Reacts To Quarantine Extension | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica