Doktor na diumano'y nag-duty ng tatlong shift nang tuloy-tuloy, binawian ng buhay

Doktor na diumano'y nag-duty ng tatlong shift nang tuloy-tuloy, binawian ng buhay

- Marami ang naantig sa mensahe ng kapatid ng isang doktor na pumanaw dahil sa cardiac arrest

- Ayon sa kapatid ng nasawing doktor, nag-duty umano ng tatlong beses ng tuloy-tuloy ang kanyang kuya

- Bumuhos naman ang mensahe ng pagpupugay at pakikiramay para sa pamilya at mahal sa buhay ng doktor

- Umabot na sa mahigit 700 ang healthcare frontliners na nag-positibo sa COVID-19 ayon sa DOH

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa mga netizens ang mensahe ng kapatid ng isang nasawing doktor. Agad itong nag viral sa Twitter.

Isang kaibigan ng doktor na si Dr. Wilbur Jan Robert Demafiles ang nagtanong kung totoo ang balita tungkol sa pagkamatay ng doktor.

Doktor na diumano'y nag-duty ng tatlong shift nang tuloy-tuloy, binawian ng buhay
Doktor na diumano'y nag-duty ng tatlong shift nang tuloy-tuloy, binawian ng buhay
Source: Twitter

Ayon sa nagpakilalang kapatid ng doktor, cardiac arrest umano ang dahilan ng pagkamatay niya dahil sa tatlong beses na tuloy-tuloy na pagtatrabaho bilang isang frontliner na gumagamot sa mga COVID-19 patients.

Ibinahagi ng Twitter user na may handle na @orvillage ang naging pag-uusap nila ng kapatid ng nasawing doktor.

Doktor na nag-duty ng tatlong shift nang tuloy-tuloy, inatake sa puso
Doktor na nag-duty ng tatlong shift nang tuloy-tuloy, inatake sa puso
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umani ng pagpupugay para sa kabayanihan ng doktor at pakikiramay sa pamilyang naiwan ang nasabing Twitter post.

Salamat po sa mga magulang ninyo, sa pagpaparaya sa inyo kapatid para makapaglingkod sa bayan. Nakikiramay po ako.
This is sooo heartbreaking. RIP doc, you are a hero. All frontliners are risking their lives to save lives. Crying face
Gone too soon! Wag naman sana ganun. Ingatan din dapat ng mga frontliners sarili nila. Sana etong mga hospital directors or kung sino man, bigyan naman nila ng pahinga ang mga staff nila.
Wala siyang ibang gusto kundi makatulong sa nangangailangan. Wala siyang ibang goal kundi magpagaling. Hindi ko man siya kilala pero ang sakit. Nakikiramay kami Disappointed face

Samantala, wala pang nailalabas na official statement ang pamilya ng nasawing doktor hinggil sa dahilan ng pagpanaw ni Dr. Demafiles.

Gayunpaman, sa isang Facebook post ng isang malapit sa kanya, nabanggit nito ang tungkol sa dedikasyon nito sa kanyang trabaho.

Ayon sa Department of Health, 766 healthcare workers na ang nag positibo sa COVID-19. 339 dito ay doktor at 242 ang mga nurse. Umabot na sa 22 ang pumanaw na healthcare worker sa bansa dahil sa COVID-19. Sa kasalukuyan, umabot na sa 6,259 ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. 409 dito ang nasawi at 572 ang gumaling.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate