Mensahe ng asawa ng sundalong kabilang sa 11 Sulu Heroes, viral sa social media
- Viral sa Facebook ang mensahe ng asawa ng isa sa mga nasawing sundalo sa engkwentrong naganap sa Sulu kamakailan
- Ayon sa misis ni Cpl. John Michael Manodom, nakausap niya pa ang kanyang asawa noong araw na iyon
- Nasawi ang kanyang mister isang araw bago ang kanilang wedding anniversary
- Matatandaang naibalita ang pagkasawi ng 11 na sundalo sa engkwentro sa Patikul, Sulu nitong Biyernes ng hapon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral sa social media ang madamdaming mensahe ng asawa ng isa sa tinaguriang 11 Sulu Heroes. Marami ang naantig sa ibinahaging mensahe ng asawa ni Cpl. John Michael Manodom.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Joan B. Manodom na nakausap pa niya noong Biyernes ang kanyang asawa.
Magdidiwang pa sana ng kanilang 2nd wedding anniversary ang mag-asawa.
Mahal ko John Michael T. Manodom tomorrow is our 2nd wedding anniversary, diba?! Saan kna?! Uuwi kna ba sa amin ng anak mo?! Uuwi ka nga pero nasa kabaong na.. mahko nmn uie.... Akala ko ba magsasama pa tayo hanggang sa huli,. Nagkausap pa tayo kanina sobrang saya pa natin taz biglang sinabi mo na mag strike lng kayo at at babalik lng kau agad,. Saan kna?! Bkt ganito na ung nangyari., Please asawa ko, tulungan mo akong tanggapin lahat eto sobrang sakit, durog na durog aq ngaun mahal ko,.
Marami ang naantig sa mensaheng ito ng maybahay ng nasawing sundalo. Bumuhos ang pakikiramay at pagpupugay sa kabayanihan ng kanyang asawa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang umabot sa 11 sundalo ang nasawi, kabilang ang isang opisyal, habang 14 pa ang nasugatan nang makasagupa ang may 40 miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu, Biyernes ng hapon.
POPULAR: Read more about Filipino viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh