Wais si kuya! Tricycle driver, ipinuhunan ang natanggap na ₱2,000 ayuda

Wais si kuya! Tricycle driver, ipinuhunan ang natanggap na ₱2,000 ayuda

- Inulan ng papuri ang isang tricycle driver na minabuting ipang-negosyo ang natanggap na ayuda mula sa gobyerno

- Ginamit niya ito para makasimula ng isang ihaw-ihaw business dahil hindi siya makapamasada

- Marami ang natuwa sa kanya dahil ginamit niya sa tama ang perang natanggap at hindi ito pinambisyo lamang

- Nararapat lamang daw na tularan ito ng nakararami lalo na sa panahon ngayon na marami ang kinukulang at nagugutom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang ginawa ng isang tricycle driver sa Barangay Culiat, Quezon City kung saan ipinuhunan niya ang natanggap na ayuda.

Ayon sa ulat ni Sherrie Ann Torres ng ABS-CBN, ginamit umano ng tricycle driver ang ₱2,000 na natanggap na pera mula sa pamahalaan sa pagbubukas niya ng maliit na ihaw-ihaw.

Sa ganitong paraan, mapapalago na niya ang perang natanggap at tiyak na may makakain pa ang kanyang pamilya sa araw-araw.

Maliit na ihawan, mesa at upuan lamang ang gamit ng lalaking nakilalang si Samad Maulana. hindi na siya mamomroblema pa sa panggastos nila sa mga susunod na araw.

Taliwas ito sa nauna nang naibalita ng KAMI kung saan ang ilang miyembro ng 4Ps ay nagawa pang ipangsugal ang perang kanilang natanggap.

Dahil dito, umani siya ng papuri mula sa mga netizens at nararapat lamang daw siyang tularan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana lahat ng makakatanggap ng pera kasing talino mo mag isip kung san tamang gamitin yung pera Kuya. God Bless po"
"Sana ganyan. Responsibleng mamayan. Alam nyang d sasapat kaya gumagawa ng paraan para madagdagan ang natanggap. Salute po."
"Mahusay si Kuya yan ang totoong nagutom natututo gumawa paraan para hindi na ulit magutom. God bless po sa family nyo."
"Sana kasi lahat ng nakakatanggap ng ayuda ganito mag-isip. edi hindi sana nakakasama ng loob ung pinupuntahan ng taxes ko. Good job kuya! More blessings to you"
"Tamang desisyon brader. Pinalago mo yung biyayang binigay sa iyo. Keep up the good work. God bless you more. Stay safe."
"Yan ang nga taong dpt tulungan..naghihintay lng na may tutulong sa knila para ipakita sa lht n kya din nilng tulungan ang knilang sarili basta mbigyan lng ng pagkakataon. God bless po kuya. Pagpatuluy lng po ang pagsisikap."

Mahigit isang buwan nang naka-enhanced community quarantine ang Luzon. Dahil dito, maraming mamamayan ang natigil sa paghahanapbuhay at nangangahulugang walang kita.

Ilan sa mga ito ay ang mga public transportation drivers tulad ni Samad na kung walang pasada, wala ring pangtustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Kaya naman hiling ng maarami na manatili na lamang sa kanya-kanyang mga bahay upang maiwasan na ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Nagbibigay pag-asa rin ang datos na naitatala ng Department of Health kung saan mas mataas na ang bilang ng mga nakaka-recover kumpara sa mga pumapanaw.

Ngunit, hindi pa rin mapigilan ang pagdagdag ng bilang ng confirmed cases kada araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica