Anak ng negosyanteng si Ramon Ang na si Jomar, pumanaw sa edad na 26

Anak ng negosyanteng si Ramon Ang na si Jomar, pumanaw sa edad na 26

- Pumanaw na ang isa sa mga anak ng negosyanteng si Ramon Ang na si Jomar Ang sa edad na 26

- Sa pamamagitan ng isang official statement, inilahad ng mag-asawang Ramon at Tessie ang malungkot na balita

- Pumanaw si Jomar noong April 11, Sabado at inilibing din noong Linggo na pribado lamang para sa pamilya

- Noong Enero, una nang naibalita nang isugod sa St. Luke's Medical Center si Jomar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Pumanaw na ang anak ni San Miguel Corporation President Ramon S. Ang na si Jomar Ang sa edad na 26.

Ayon sa isang statement na inilabas ng nakatatandang Ang at ng maybahay nitong si Tessie, pumanaw si Jomar noong April 11, Sabado.

Nagkaroon na lamang ng private funeral ang pamilya para kay Jomar noong Linggo.

Narito ang kabuuan ng statement ng mag-asawang Ramon at Tessie kaugnay ng pagpanaw ng kanilang anak.

"Our beloved son, Jomar, passed away peacefully on Saturday, April 11, 2020. It has been a painful experience, but we have been comforted by the expression of love and sympathy sent to us in so many ways.

"We appreciate all the kind thoughts and prayers. Thank you for being with us during this difficult time.

"While we know that many of you who kept him in your thoughts would have wanted to attend his funeral, we decided it was best to have a private service to celebrate his life on Easter Sunday.

"Jomar was a dutiful, loving, and kind-hearted son, brother, and a loyal and dedicated friend to many. He was a source of great joy to us and we are truly blessed to have had his love and presence in our lives. We know in our hearts that he is in a much better place now."

—Ramon and Tessie Ang

Sa isang ulat ng GMA News noong Enero, una nang naibalita na isinugod sa ospital si Jomar sa St. Luke's Medical Center.

Kinumpirma ito ni Ramon Ang matapos kumalat ang balita ukol dito ngunit hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye.

Sa isang mensahe sa GMA News, sinabi nito na: "He is currently in St. Luke's Medical Center fighting for his life."

Sa kabila ng pinagdaraanan ng pamilya Ang, naging aktibo pa rin ang mga ito sa pagtulong sa bansa sa gitna ng krisis dahil sa coronavirus pandemic.

Isa si Ramon Ang sa mga negosyanteng nagbigay ng malaking tulong sa ating mga kababayang apektado ng krisis na ito.

Si Jomar Ang ay isa sa mga anak ng business mogul sa bansa na si Ramon Ang.

Siya ang tumatayong chief financial officer ng RSA Motors, ang official dealer ng BMW sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8 hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone

Hot: