3 miyembro ng 4Ps, arestado matapos mahuling nagsusugal

3 miyembro ng 4Ps, arestado matapos mahuling nagsusugal

- Arestado ang tatlong kababaihan na pawang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps

- Ito ay matapos silang maaktuhang nagsusugal sa kabila ng pagbabawal ng pamahalaan na lumabas ng bahay

- Inaresto sila sa paglabag sa PD 1602 (Illegal Gẳmbling) na may multa na nagkakahalaga ng isa hanggang anim na libong piso

- Matatandaang isa sa naging mainit na usapin sa social media kamakailan ay ang tungkol sa ayudang natatanggap ng mga miyembro ng 4Ps

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang tatlong kababaihan na pawang mga recipient ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Ito ay matapos silang maaktuhang nagsusugal sa kabila ng paalala ng pamahalaan na manatili na lamang sa mga sariling bahay.

Sila ay lumabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gẳmbling) na may multa na nagkakahalaga ng 1 hanggang 6 na libong piso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging mainit na usapin sa social media ang tungkol sa ayudang natatanggap ng mga miyembro ng 4Ps. May mga umalma at nagsabing sana ay muling i-validate kung karapat-dapat ang mga miyembro na nakakatanggap ng buwanang tulong mula sa pamahalaan.

Isinailalim sa community quarantine ang Metro Manila at iba pang lugar dahil sa paglaganap ng COVID-19. Kasunod nito ay hiniling ng pangulo ang emergency power. Kinalaunan, kanyang ina-nunsiyo ng pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga mamamayang apektado ng quarantine.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemyang dulot ng COVID-19 sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti-unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate