Babae, kinuwento ang pagpanaw ng asawa dahil sa COVID-19 habang magka-video call sila
- Kinuwento ng isang babae sa New York ang kanyang naging karanasan nang pumanaw ang asawa niya habang magkausap sila sa video call
- Kwento niya, mula noong na-admit sa ospital ang asawa niya dahil sa COVID-19 ay nag-vi-video call sila para maramdaman nilang magkasama pa rin sila
- Habang nasa video call ay sinabi ng doktor na wala ng pulso ang asawa nito at hindi na kinaya
- Nang pumanaw ang kanyang asawa ay pinatugtog niya pa ang wedding song nila para sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ibinahagi ng isang babae na taga-New York ang kanyang karanasan nang pumanaw ang kanyang asawa dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Nalaman ng KAMI na magkausap pa ang mag-asawa sa video call nang pumanaw ito.
Ayon sa panayam ni Maura Lewinger sa CNN, malusog at malakas naman ang kanyang asawa na si Joe Lewinger na 42 anyos. Subalit, tinamaan pa rin ito ng COVID-19.
Simula nang dalhin sa ospital si Joe ay sa video call na lang sila nag-uusap upang magdasal at maramdaman nilang magkasama pa rin sila sa gitna ng pagsubok na ito.
Noong hindi na naging maganda ang lagay ni Joe sa ospital ay agad itong pinatawagan ng kanyang asawa sa nurse.
Kwento pa ni Maura, isang mabuting asawa si Joe sa kanya kaya labis ang pasasalamat nito. Araw-araw umano nitong pinaparamdam sa kanya ang pagmamahal nito at sa tatlong anak nila.
“I thanked him for being the most amazing husband, for making me feel cherished and loved every single day,” sabi ni Maura.
Nang pumanaw si Joe ay pinatugtog naman ni Maura ang wedding song nila para sa pagpanaw ng asawa niya.
“So I thanked him and then I prayed and then the doctor took the phone and he said, ‘I’m sorry but there’s no more pulse,’ and then I played our wedding song for him and then that was it. So I was with him when he passed,” aniya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Paalala naman ni Maura sa mga tao ay mag-ingat ngayon dahil patuloy ang pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo at seryosohin ang sakit na ito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Our host Paula Coling gave some tips on how to wisely spend your time at home during the enhanced community quarantine! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh