Mga pari sa iba’t-ibang parte ng mundo, may kakaibang paraan upang igunita ang Semana Santa

Mga pari sa iba’t-ibang parte ng mundo, may kakaibang paraan upang igunita ang Semana Santa

- Ilang simbahan sa buong mundo ang nakaisip ng kakaibang paraan upang salubungin ang Semana Santa kahit na may banta ng COVID-19

- Isang pari sa Italy ang nakaisip na magdikit ng mga litrato ng mga deboto sa upuan ng simbahan nila

- Ang isang simbahan din sa Pampanga ay nagdikit ng mga litrato ng kanilang parokyano sa mga upuan upang igunita ang Palm Sunday

- Hanggang sa ngayon ay maraming lugar pa rin sa buong mundo ang nakasailalim sa community quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang pari sa iba’t-ibang parte ng mundo ang may kakaibang paraan upang makasama pa rin ang mga parokyano ngayong Semana Santa kahit na may krisis ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Nalaman ng KAMI na isang pari sa Italy ang naka-isip ng kakaibang paraan dahil mula noong Pebrero pa lang ay ipinagbabawal na ang pagdalo ng mga tao sa misa rito bilang parte ng community quarantine.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines (isinulat ni Hada Messia), sabi ni Don Giuseppe Corbari, noong una ay nahirapan siya magmisa sa loob ng simbahan na walang kaharap na tao.

“I felt isolated, it didn't seem real to me,” sabi niya.

Kaya naman, naisip niyang magdikit ng mga litrato ng mga pamilyang deboto sa simbahang ito. Tabi-tabi ang litrato ng mga tao sa upuan ng simbahan.

“I didn't expect such a collaborative reaction. I was inundated by pictures, and I printed them. ...now I see that other parishes, even around the world, are doing similar things," dagdag pa nito.

Samantala, sa ulat naman ng ABS-CBN News, ang simbahan din ng Holy Rosary Parish sa Angeles, Pampanga ay nagdikit ng mga litrato sa upuan para sa misa nitong Palm Sunday.

Ang isang simbahan din sa Archern, Germany ay puno ng litrato ng mga parokyano nito upang ipagdiwang ang misa ngayong simula ng Semana Santa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 3,246 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong ika-5 ng Abril. Samantala, nasa 152 naman ang pumanaw dahil sa sakit na ito at 64 na ang gumaling dito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Kapuso star Kris Bernal participated in the new episode of our Tricky Questions feature! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)