Meralco, nagbigay ng 30-day payment extension sa kanilang konsyumer

Meralco, nagbigay ng 30-day payment extension sa kanilang konsyumer

- Sa gitna ng krisis sa bansa dahil sa coronavirus disease, ilang kompanya sa bansa ang nagbigay ng konsiderasyon para sa mga Pilipino

- Kabilang ang Meralco, na isa sa nagsu-supply ng kuryente sa bansa, na nagbigay ng 30-day payment extensyon para sa kanilang mga konsyumer

- Maging ang Maynilad ay nagsuspinde muna ng disconnection activities upang matiyak na may sapat na tubig ang kanilang mga konsyumer

- Kasunod ito ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa gitna ng krisis sa bansa dahil sa coronavirus disease, ilang kompanya sa bansa ang nagbigay ng konsiderasyon para sa mga Pilipino.

Isa na rito ang Meralco, isa sa nagsu-supply ng kuryente sa bansa, na nagbigay ng 30-day payment extensyon para sa kanilang mga konsyumer.

Sa kanilang mga official social media account, ipinabatid ng Meralco ang naturang abiso.

"Stay safe. Stay healthy. #Stayhome.

Sama-sama nating talunin ang #COVID19

We will provide a 30-day payment extension for bills due from March 1 to April 14, 2020.

Lahat din ng mga maintenance activities ay ipagpapaliban muna, unless necessary, to ensure we are #KeepingTheLightsOn for all our customers in these trying times."

Pero karamihan sa mga konsyumer ay humirit at nanawagan na sana raw ay libre muna ang kuryente ngayong buwan dahil na rin sa kawalan ng hanapbuhay na kinakaharap ng marami nating kababayan dahil sa COVID-19.

"Sana libre nlng hndi 2 bills bbyran s next mnth bills, bgat nun, pwede bng installment for 3 mnths?"
"Paano po yung mga naka kuryente load?"
"Sana babaan dn muna ang singil"
"Paano po yung mga wala parin talagang pambayad after april 14 2020 dahil wala naman aasahang sasahurin that period of time kase walang trabaho panigurado mapuputulan??? Paki sagot nga po ako???"
"Mas masaya sana kun wala ng babayaran kht ngayon buwan lng, laki naman ng kinita nila satin."

Samantala, maging ang Maynilad ay nagsuspinde muna ng disconnection activities upang matiyak na may sapat na tubig ang kanilang mga konsyumer.

"Ito ay para masiguro na ang lahat ng customers ay may magagamit na tubig, lalo na para sa mga aktibidad na kritikal sa pagpapantili ng kalusugan at sanitasyon," ayon sa statement na inilabas ng kompanya sa kanilang social media account.

"Ito ay alinsunod sa ating layunin na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19," ayon pa sa statement.

Kasunod ito ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes na sasailalim sa "enhanced community quarantine" ang buong Luzon.

“This is a matter of national survival, we have to be resigned to that fact. This is a matter of life and death. The only way to stop this is for us to help ourselves,” sabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at hilarious videos, this video is for you! Check out all our KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone