Pangulong Duterte, idineklara ang 'lockdown' sa Metro Manila

Pangulong Duterte, idineklara ang 'lockdown' sa Metro Manila

- Nagdeklara na ng 'lockdown' si Pangulong Duterte sa buong Metro Manila

- Bahagi ito ng isinagawa niyang press conference ngayong Marso 12 kung saan ipinahayag niya ang kanilang napagkasunduang aksyon ukol sa "crisis" ng COVID-19 sa bansa

- Pinaalalahanan niya na "huwag mag-panic" ang mga Pilipino dahil araw-araw silang nagpupulong sa mga posibleng gawin para sa virus na ito

- Binigyang diin niya ang "social distancing" sa lahat nang nabanggit na mga panukala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Do not panic," ang bungad ni Pangulong Duterte sa muling pagharap niya sa publiko sa isinagawang press conference ngayong Marso 12 kaugnay ng lumalang sitwasayon ng COVID-19 sa bansa.

Pasado alas-nuebe ng gabi na nang magsimula ang press con na ginanap mismo sa Malacañang.

Inaabangan ito ng mamayang Pilipino partikular na ang mga nasa Metro Manila dahil sa umuugong na balita buong araw na magdedeklara na nga ang pangulo ng 'lockdown' sa rehiyon.

Itinaas na kasi ang code red sublevel 2 sa NCR kung saan araw-araw mula noong Marso 9 ay patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sinabi ng pangulo na huwag maliitin ang isyung kinahaharap ngayon ng Pilipinas ngunit huwag din naman daw "patayin" ang sarili sa pag-aalala.

Makinig at sumunod sa mga paalala at tagubilin ng Department of Health na siyang nakaalam ng mga dapat gawin sa panahong ito.

Maari pa rin naman daw na magawa ang mga normal na gawain sa araw-araw na may "limitasyon".

Binigyang diin din niya ang "social distancing" sa lahat ng nabanggit na panukala partikular na ang pagpasok ng ilan sa mga empleyado sa kanilang trabaho o maging ang paglabas ninuman sa publiko.

Sinabi ng pangulo na bagaman suspendido raw ang mga biyahe papasok at palabas ng Metro Manila, ayaw niyang gamitin ang terminong "lockdown" kundi "community quarantine" dahil ang motibo nito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga tao sa NCR na siyang labis na apektado ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hatinggabi ng Marso 14 hanggang Abril 14 ang itinalagang lockdown sa Metro Manila.

Sinuspinde muli ng Pangulo ang klase hanggang Abril 12 sa lahat ng antas ng paaralan.

Araw-araw din silang magpupulong kasama ng DOH at iba pang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa mga kaganapan ng paglaganap ng virus sa bansa kaya maaring mabago ang ilan sa mga napagkasunduan depende sa sitwasyon.

Pinaalalahanan din ng pangulo ang publiko na siguraduhin malusog ang pangangatawan dahil ito pa lamang sa ngayon ang mabisang panangga sa coronavirus disease 2019.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel