COVID-19 survivor, nagbigay ng mensahe ng pag-asa sa marami
- Isang babaeng American national ang nagbahagi ng kanyang karanasan kung paano nalampasan ang pagkakaroon ng COVID-19
- Nag-self quaratine lamang siya at uminom ng mga gamot na mabibili lamang sa botika
- Nagbigay pag-asa sa marami ang binahagi ng survivor na ito dahil nangangahulugan na ang sinumang tatamaan nito ay maari pang gumaling kung may kaukulang kaalaman at paghahandang ginawa
- Nagpaalala siyang maging alerto at matinding pag-iingat ang gawin upang makaiwas sa kinatatakutang virus sa buong mundo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ng isang COVID-19 survivor na si Elizabeth Schneider mula sa Seattle, USA kung paano niya nalampasan ang pagsubok ng pagkakaroon ng kinatatakutang virus ngayon sa buong mundo.
Base sa ulat nina David Albright at Issam Ahmed ng Agence France-Presse, ang lugar ni Elizabeth ang may pinakamaraming bilang ng naitalang namatay dahil sa coronavirus disease 2019.
Ngunit di napabilang dito ang 37-anyos na may PdD sa bioengineering na si Elizabeth kahit pa naka-self-quaratine lamang siya.
Pebrero 25 nang makaramdam siya ng panlalata o matinding pagod.
Inakala lamang niyang pangkaraniwang pagod lamang ito dahil 'busy' talaga siya noong linggong yun.
Tanghali nang makaramdam na siya ng pananakit ng ulo. Nagsimula na ring manakit ng husto ang buong katawan niya. Nang oras ding iyon, naramdaman niyang nilalagnat na siya.
Dahil dito, uminom na siya ng mga pangkaraniwang mga gamot para sa lagnat.
Aminadong wala pa siyang ideya noon na mayroon siyang COVID-19 ngunit nabalitaan na niya ang unang kaso nito sa kanilang bansa noong Enero.
Dumaan ang ilang araw at nalaman niyang nagkasakit din ang ilan sa mga dumalo ng party na kanyang pinuntahan tatlong araw bago sumama ang kanyang pakiramdam.
Lima sa mga ito ay pawang may parehong sintomas o dinaranas tulad niya.
Nang malaman niyang negatibo siya sa flu at tila ibang klaseng sakit ang dumapo sa kanya, doon nagdesisyon na siyang mag-enroll sa research program ng Seattle kung saan siya ng nagpa-test.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marso 7, tinawagan siya ng laboratoryo at kinumpirmang positibo siya sa COVID-19.
Tila nagulat pa siya dahil di na ganoon katindi ang nararamdaman niyang sakit.
Pinayuhan na rin siya na manatili sa kanilang bahay sa loob ng isang linggo at sinunod ang mga dapat na gawin kung may ganitong klaseng karamdaman.
Payo niyang huwag mag-panic. Maging alerto lamang at alamin ang mga dapat na gawin tulad ng pag-inom ng tamang gamot, magpahinga at uminom ng maraming tubig.
Masaya siyang ibahagi ang karanasan tulad ng una nang naiulat ng KAMI kung saan isa rin English Teacher sa Wuhan ang nalampasan din ang pagsubok ng pagkakaroon ng COVID-19.
Ayon pa sa ulat ng GMA news, masigla na muli si Elizabeth at nakalalabas na ito ng bahay ngunit umiiwas pa rin siya sa maraming tao.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Elizabeth mula sa KING 5:
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!
The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh