Kapitan na pumalit sa sinibak na hepe sa Cebu, kinakikiligan online

Kapitan na pumalit sa sinibak na hepe sa Cebu, kinakikiligan online

-Usap-usapan ngayon online ang Police Captain na pumalit sa sinibak na hepe ng Argao Police kamakailan lamang

-Si Police Captain Elstone Dabon Jr. ang bagong OIC sa Argao Police Station na humahatak na ng atensyon partikular na sa mga kababaihan

-Pero ayon kay Kapitan, hindi niya hahayaang makaapekto ang atensyong nakukuha dahil sa kanyang panlabas na itsura sa kanyang bagong tungkulin

-Inilahad nito ang mithiing mapuksa ang ilegal na droga at sugal sa kanyang area of responsibility

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon online ang bagong Officer-In-Charge na pumalit sa sinibak na hepe ng Argao Police sa Cebu kamakailan lamang.

Si Police Captain Elstone Dabon Jr., 25, ang bagong OIC sa Argao Police Station na humahatak na ng atensyon partikular na sa mga kababaihan.

Sa isang ulat ng Cebu Daily News (Reporter Alven Marie A. Timtim), sinabi nitong mayroong ilang bumisita na sa kanilang istasyon para makita siya.

Pero inamin din ni Kapitan na hindi siya komportable sa nakukuhang atensyon bagamat pinagbibigyan naman daw niya ang mga ito kapag nais ng mga itong magpakuha ng larawan kasama siya.

Pero ayon kay Kapitan, hindi niya hahayaang makaapekto ito sa kanyang bagong tungkulin.

Inilahad din nito ang mithiing mapuksa ang ilegal na droga at sugal sa kanyang area of responsibility

“The main point would be the outcome of my work and not the way I look,” anito.

Pinalitan ni Dabon si Major Ildefonso Miranda Jr. matapos itong mahuli na natutulog kasama ang isang babaeng preso sa loob ng kanyang kwarto sa police station, na una nang naiulat ng KAMI.

Siniguro naman ni Dabon na hindi mauulit ang eskandalong ito sa kanyang panunungkulan.

Inamin din nito na mayroon na itong matagal na karelasyon na nakilala niya noong siya ay high school pa lang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel