Huli! Chief of police sa Cebu na natutulog katabi ang 1 babaeng preso, kalaboso

Huli! Chief of police sa Cebu na natutulog katabi ang 1 babaeng preso, kalaboso

- Arestado ang hepe ng Argao Police sa Cebu matapos itong maaktuhang may katabing babaeng preso sa kanyang kwarto sa municipal police station

- Isa pang babae ang nakita ring natutulog sa kanya namang opisina

- Ayon sa ulat, lumalabas na mayroon itong relasyon sa "katabing" inmate

- Naaresto ang parehong babae dahil sa droga at parehong nakakulong sa nasabing police station

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang hepe ng Argao Police Station sa Cebu matapos itong maaktuhang natutulog at may katabing babaeng preso sa kanyang kwarto sa police station ng munisipalidad.

Kinilala itong si Maj. Ildefonso Miranda Jr., batay sa ulat ng Inquirer (Author, Cathrine Gonzales) at The Philippine News.

Bukod sa katabi nito sa kanyang kwarto, isa pang babaeng preso ang nahuli ring natutulog naman sa opisina nito.

“Major Miranda and (the female inmate) were found sleeping in one bed, while the other female inmate was deep in her slumber at the police chief’s office. This won’t be tolerated,” pagkumpirma ni P/Col. Ronald Lee, acting director of the PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).

Ayon sa mga ulat, lumalabas na mayroon itong relasyon sa 23-anyos na babaeng preso na nahuling katabi nitong natutulog.

Habang ang isa pang babae na nahuling natutulog sa opisina nito ay "helper" umano ni Miranda.

Naaresto ang parehong babae dahil sa droga at parehong nakakulong sa nasabing police station.

Sabi pa ni Lee, under surveillance si Miranda matapos silang makatanggap ng reports na may mga babae preso na natutulog at nakakapasok sa opisina nito.

Haharap ito sa mg kaso dahil sa paglabag nito sa Republic Act 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Article 210 of the Revised Penal Code for Direct Bribery, and Article 156 of the RPC.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel