Mga subdivision, hindi pwedeng kunin ang driver’s license ng mga motoristang bisita
- Ipinaliwanag ng isang abogado na hindi dapat kinukuha ng mga subdivision ang lisensiya ng mga motoristang bumibisita sa kanila
- Giit ng abogado, labag sa Land Transportation Code ang pangunguha ng driver’s license
- Nakasaad sa batas na tanging Land Transportation Office (LTO) lang ang pwedeng kumuha ng lisensya
- Nakasaad din sa isang resolusyon na hindi maaaring kunin ng mga subdivision ang driver’s license ng mga motorista
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ilang mga subdivision nga ang nakagawian na ang pagkuha ng lisensiya ng mga motorista sa tuwing may pupuntang bisita sa kanilang lugar.
Subalit, nalaman ng KAMI na labag naman ito sa batas ng Pilipinas.
Ayon sa panayam ni Atty. Noel Del Prado sa “Usapang de Campanilla” ng DZMM TeleRadyo, tanging ang Land Transportation Office (LTO) lang ang may kapangyarihang kumuha ng lisensiya ng motorista.
"Nasa kapangyarihan nila (subdivisions) na panatilihin ang kaligtasan pero sa pagkakataon na ito merong specific provision of laws na nagbabawal," sabi ni Del Prado sa YouTube video na ibinahagi ng ABS-CBN News.
Paliwanag ni Del Prado, nakasaad sa Section 19 ng Republic Act 4136 o Land Transportation Code na ang mga LTO officials lang ang pwedeng kumuha ng driver’s license ng mga motorista.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, nakalagay naman sa Resolution 001 series of 2017 ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) na bawal kunin ng mga bantay sa subdivision ang lisensiya ng mga bisita.
"[It shall be prohibited] to require the driver of any vehicle entering the subdivision or condominium to surrender his/her driver's license. The association is not authorized under the traffic laws to take custody, even on a temporary basis, the license issued by the Land Transportation Office,” sabi sa Section 12 ng Resolution 001.
Sabi sa ulat ng ABS-CBN News, posibleng umabot ang multa mula P5,000 hanggang P50,000 ng mga gwardiyang o sinumang bantay ang magre-require na kunin ang lisensiya ng mga motorista.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre on KAMI HumanMeter Youtube Channel!
Source: KAMI.com.gh