Emosyonal na 'wedding vow' ng groom sa anak ng bride, nagpaluha sa mga netizens

Emosyonal na 'wedding vow' ng groom sa anak ng bride, nagpaluha sa mga netizens

- Viral ang nakakatunaw ng puso na video ng groom sa anak na lalaki ng kanyang bride

- Napukaw ang puso ng netizens dahil maging ang anak ng bride ay pinahalagahan ng groom at nangako rin siya sa harap ng altar na mamahalin niya ito at aalagaan

- Umaapaw ang luha ng groom habang sinasabi ang kakaibang wedding vow na ito at bakas sa kanyang mukha ang sinseridad sa pagsasabi nito

- Maraming netizens ang naluha sa eksenang ito at nagpahayag ng kagalakan dahil nakahanap ang bride ng lalaking magmamahal sa kanyang anak at handang ituring na parang sariling anak ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang kakaibang wedding vow na binahagi ng Facebook page na Reverie.

Ito ay isang emosyonal na eksena sa kasalan nina John Carlo Toribio at Dianne Barrio.

Nalaman ng KAMI na bukod sa pangako ng groom sa kanyang bride sa pagsambit niya ng wedding vows, maging sa anak nito na si Dionne Jake at nangako din siya pakamamahalin ito na parang sarili niyang anak.

Makikita sa larawan ang lumuluhang groom habang sinasambit ang vow na ito:

"I Papa Carl take you to be my beloved son, I promise to love, honor and cherish you until the end of time, I will commit myself to you Dionne Jake, promising to guide you through your life as you grow old and later become kuya, I promise to give you my unconditional love and to support you as long as I live. Continue to be our blessing. Continue to make us mama Peng proud in everything that you do."

Bilang tugon, nagpasalamat naman ang bride sa groom sa pagtanggap nito sa kanyang anak at sa pagtrato nito na sa bata na animo'y tunay na niyang anak.

Dahil dito, maraming netizens ang naantig dahil bakas sa larawan ang sinseridad ni John Carlo habang sinasabi ito sa harap mismo ng anak ng bride na si Jake.

Nagpaluha raw sa marami ang larawang ito na nagpapakita ng isang magandang halimbawa ng tunay na pag-ibig.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens na nakaramdam din ng kasiyahan para sa bagong kasal:

"The best vow I ever heard. A man like you sir is so rare. Men in this gen are so judgemental when it comes to women who are single mom. Hope that you'll stay that way and shower them more love. Bless your marriage sir. You are a true hero"
"Imagine just reading the line and being moved. What more if you heard those words."
"Sana po sir may mga lalaki pang kagaya nyo na may respeto, pagtanggap at buonh pagmamahal. Salute po and congrats"
"An officer and a gentleman to formtaking full responsibility for and everything"
"Amazing you are the perfect husband to his mom"
"An example of true and unconditional love, congrats to the newly weds"

Kasalukuyan nang may 50,000 na positibong reaksyon ang post at naibahagi na rin ito ng nasa 31,000 na beses.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the windows to the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica