Triggered si idol! Raffy Tulfo, uminit ang ulo sa 1 magtataho

Triggered si idol! Raffy Tulfo, uminit ang ulo sa 1 magtataho

- Hindi napigilan ni Raffy Tulfo ang mainis sa ilang magtataho sa labas ng tanggapan ng TV5

- Walong magtataho kasi ang kinuha ni idol Raffy para magbigay ng taho sa mga complainants sa labas ng TV5

- Ngunit sa halip daw na ipamigay muna ang mga taho ay nauna pa raw ang mga ito na kumain sa libreng pakain ni idol para sa mga complainants bilang pasasalamat sa mga ito

- Ngunit mas lalong uminit ang ulo ni Tulfo nang magsinungaling pa ang isa sa mga ito at sinabing panis na raw kasi ang mga taho kaya hindi nila naipamigay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang napataas ang boses ni Raffy Tulfo nang madiskubreng tila dinaya siya ng ilang magtataho na binayaran niya para magpamahagi ng taho sa kanilang mga complainants sa labas ng TV5.

Nagpakain si idol para sa mga complainants sa labas ng TV5 bilang pasasalamat sa mga patuloy na tumatangkilik at sumusuporta sa kanila.

Kumuha rin ito ng ilang ice cream vendor at mga magtataho upang magpamahagi ng kanilang mga produkto para sa mga complainants.

Ngunit hindi talaga napigilan ni idol ang mainis nang makita na nauna pa palang kumain ang mga magtataho kaysa sa kanilang mga complainants at hindi pa naipapamahagi ang mga taho.

May nakita pa raw si idol Raffy na hindi pa nababawasang lalagyan ng taho.

Ang mas ikinainit pa ng ulo ni idol ay nang humarap sa kanya ang lider ng mga magtataho na may hawak pang pagkain mula sa kanila.

Nagsinungaling pa raw ito dahil sinabing panis na raw kasi ang mga taho kaya hindi nila naipamahagi.

Para mapatunayan na hindi ito panis ay mismong si Tulfo pa ang tumikim sa taho.

Hindi ito pinalagpas ni idol Raffy at sinermunan ang naturang lider ng magtataho.

Maging ang in-charge na staff doon ay ipinatawag ni idol Raffy upang hingan ng pahayag kung bakit nangyari ang insidente.

Agad namang inamin ng staff na hindi na nila namonitor ang mga magtataho.

Narito ang video mula sa Facebook page na ACT CIS TULFO NCR:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel