Nakakalokang mensahe ng estudyante sa kanyang titser, kinaaliwan sa socmed

Nakakalokang mensahe ng estudyante sa kanyang titser, kinaaliwan sa socmed

-Nakakaloka ang mensahe ng isang estudyante para sa kanyang guro na nagviral talaga sa social media

-Inosenteng-inosente ang naging wish nito para sa guro na siyang nagpost nito sa Facebook

-Libo-libong netizens ang naaliw sa "nakakatouch" ngunit nakakatawang mensahe ng bata

-Kaya naman hindi na kataka-taka kung umabot sa daan-daang libo ang reactions at shares nito sa Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi "kineri" ng gurong si Mary Rose Rosales ang mensahe para sa kanya ng isa sa kanyang mga estudyante sa grade 1.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng guro ang larawan ng mensahe ng estudyante na nakasulat sa isang papel.

Ayon sa mensahe: "I love you teacher mery rose sana hindi ka mamatay."

Inosenteng-inosente man ang nais nitong ipabatid sa guro, tila nagkaroon ng kakaibang ibig sabihin ang mensahe nito na kinaaliwan naman ng mga netizens.

At sa kasalukuyan ay umabot na nga sa 200,000 ang reactions dito ng netizens at halos 150,000 ang shares sa Facebook.

Pati mga netizens, talagang napa-react sa mensahe ng bata.

"Hype tong studyante mo maam."

"Ibig sabihin nun Ikaw ang Isa sa pinakaimportanteng Tao sa buhay nya na ayaw nyang mawala.. she still can't put it in better words but you get the point across."

"Bad terms good meaning."

"HAHHA buti pa yung student takot mamatay si teacher HAHAAH."

"Sa sobrang pagmamahal sayo yan ng bata maam haha."

"so far wala pa naman akong natanggap na letter sa ganyan ka thoughtful na estudyante."

"Siguro may kamamatay lang na family member yung bata."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isang estudyante ang hinangaan sa pagiging tapat nito sa kanilang guro na umaming walang maisagot sa kanilang quiz.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel