Netizens, nakarelate sa 1 meme tungkol sa utang ng mga nanay sa kanilang anak

Netizens, nakarelate sa 1 meme tungkol sa utang ng mga nanay sa kanilang anak

- Talagang napa-react ang maraming netizens sa meme sa isang Facebook page tungkol sa pangungutang daw ng mga nanay sa kanilang mga anak

- Marami kasi ang naka-relate rito at 'di naiwasang magbigay ng kanilang opinyon

- Napatanong tuloy ang marami, bakit nga ba ang hirap "singilin" ng ating mga nanay lalo pa at alam naman natin kung gaano kalaki ang kanilang pagsasakripisyo para sa kanilang mga anak

- Habang ang iba namang netizens, nagbahagi pa ng kanilang mga relate-much na kwento tungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang napa-react ang maraming netizens sa isang meme mula sa Facebook page na Tom Sawyer memes tungkol sa pangungutang daw ng mga nanay sa kanilang mga anak.

Sa isang larawan kasi na ibinahagi ng nasabing page, makikita ang isang listahan kung saan nakatala ang mga may "utang" sa pamilya.

Dito, makikitang bayad na si ate, kuya at papa ngunit 'pag dating kay mama, nakalagay na "paid na lang".

Sa ating mga Pinoy, madalas gawing biro ang ganitong sitwasyon at naging parte na nga ng ating buhay.

Pero tila marami ang naka-relate sa viral post na ito na umabot na sa 22,000 ang reactions at mahigit 5,000 ang shares.

Napatanong tuloy ang marami, bakit nga ba ang hirap "singilin" ng ating mga nanay lalo pa at alam naman natin kung gaano kalaki ang kanilang pagsasakripisyo para sa kanilang mga anak.

Habang ang iba namang netizens, nagbahagi pa ng kanilang mga relate-much na kwento tungkol dito.

"Gantong ganto yun e! Tas sasabihen skin aside sa mga gatas nung baby pako halos di nya daw ako pnapadapuan sa lamok kaya ending AUTO PAID na galeng."

"Kasi ganto listahan ni nanay.. Gatas diaper baon check up mo sa doktor, field trip mo tas etc etc etc pa.. Hahah.. Kaya paid na lang talaga."

"ganun talaga kasi pag siningil mo yan. baka singilin ka din sa mga gastos nya sayo simula nung baby ka palang."

"hays relate pag siningil na lage si mama sinusumbat na lahat ng kinaen ko mula bata so amper."

"Hahaha paid nlng..hahaba pa mag kwento at mag kwenta pa panu nya kami pinalaki hahahaha calculator."

"Sabihin ng MAMA mo, "asan Yung mga pinakain ko sayo?""

"Mahirap na maki pag diskusyunan kapag kay mama na .. HAHAHA oo na lang."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel