‘Ghosting’, maaaring magdulot ng depresyon ayon sa eksperto
- Uso nga sa mga kabataan ngayon ang salitang “ghosting” o ang biglang pang-iiwan sa ere
- Subalit, may babala naman ang mga eksperto na ang “ghosting” ay maaaring magdulot ng depresyon sa isang tao
- Kaya naman, may payo ang isang eksperto kung paano maiiwasan ang “ghosting” lalo na sa panahon ngayon
- Giit niya, dapat daw ay maging maingat ang tao at maging matalas sa mga senyales laban sa ghosting
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagbabala ang eksperto sa hindi magandang dulot ng “ghosting” o pang-iiwan sa ere o pag-alis nang walang paalam.
Nalaman ng KAMI na ang “ghosting” ay maaaring magdulot ng depresyon sa isang tao.
"Depression will set in, the helplessness, the hopelessness. Bakit ako iniwan? Wala ba ako kwenta? Bakit? Ano? Okay naman ako. Sinisisi yung sarili nila," sabi ng psychologist na si Dr. Estrella Magno.
Ayon sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News, may tips naman ang psychologist upang maiwasan ang “ghosting.”
"Lahat ng mga babae tinitignan, lahat ng bago, thrilled siya to be aware of. Tapos alam mo na anything new is exciting for him, alam mo na, you have to be careful," dagdag pa ni Dr. Magno.
Dagdag naman ni Dr. Magno, maaaring may koneksyon ang panggho-ghost ng isang tao sa pagpapalaki ng mga magulang niya sa kanya.
“Batang-bata ang isip. As I said, very immature. Maybe the parents were absent not only physically but emotionally, psychologically," paliwanag niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, ayon naman sa cultural analyst na si Professor Jimuel Naval, maaaring mahiyain lang talaga ang tao kaya minsan ay gusto na lang nito maglaho bigla.
"Hindi kasi tayo prangka minsan, eh. Ayaw natin masaktan, ayaw natin makasakit, kaya tinatago na lang natin. Gusto mo na lang mag-disappear," sabi niya.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh