Sana all! Pinay DH sa Hong Kong, ibinahagi ang sweet LDR love story nila ng Amerikanong bf

Sana all! Pinay DH sa Hong Kong, ibinahagi ang sweet LDR love story nila ng Amerikanong bf

- Isang Pinay DH sa Hong Kong ang nagbahagi ng kanyang makulay na LDR love story

- Nakilala ng Pinay ang kanyang Amerikanong nobyo sa pamamagitan ng chat sa Facebook

- Matapos ang 6 years ng LDR ay naging matagumpay naman ang relasyon nila at nakatakda na silang ikasal

- Tila hindi naging hadlang sa pagmamahalan ng dalawa ang malayong distansya nila sa isa’t-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng isang Pinay domestic helper (DH) sa Hong Kong ang kanilang makulay na long distance relationship (LDR) ng nobyo niyang Amerikano.

Ikinuwento ni Along sa KAMI kung paano nagsimula ang love story nila ni Steven kahit na sila ay nasa magkabilang parte ng mundo.

Sabi ni Along, nagsimula ang lahat sa Facebook noong 2014. Kasamahan daw sa trabaho ni Steven ang Facebook friend ni Along at binigay ang contact details nila para makapag-chat.

Matapos ang dalawang buwan ay sinagot ni Along si Steven. Subalit, hindi pa rin sila nagkikita ng personal kaya naman gustong-gusto ni Steven na puntahan si Along as Hong Kong.

Sana all! Pinay DH sa Hong Kong, ibinahagi ang sweet LDR love story nila ng Amerikanong bf

Larawan mula kay Along
Source: UGC

“Gusto na niya agad ako makita ng personal dahil video lang kami lagi for 2 months at gusto puntahan ako para daw makita ako ng personal, para mapatunayan totoo raw siya at syempre, baka mamaya umasa lang ako sa wala at hind totoo ang sinabi niya,” kwento ni Along.

Nang sagutin ni Along si Steven ay agad daw nagpadala ng bulaklak ang Amerikano sa Pinay. Sa edad na 37 ay noon lang nakatanggap ng sariwang bulaklak si Along.

Dahil sa kagustuhan ni Steven makita ng personal si Along ay agad itong kumuha ng passport. Matapos ang 8 months ay nagkita na rin ang dalawa sa wakas.

“Napa-wow ako kasi ang gwapo niya. Masasabi ng iba ‘di siya perfect pero para sa akin, perfect. Sobrang gwapo ang mga mata niya, sobrang ganda ng hazel eyes at syempre, first time din niya makita ang isang Filipina at maliit lang na babae 5'2 dahil 6'2 siya, sobrang tangkad.

Hindi nagtagal ay pumunta na rin ng Pinas si Along at Steven upang mapakilala sa pamilya niya. Nagustuhan din daw ni Steven ang Bohol. Isang araw ay hindi inaasahan ni Along na magpo-propose na si Steven sa kanya.

“Namanhikan at lumuhod sa harapan ko at another kilig na naman ng aking buhay. Kahit sinong babae, ‘yan ang gusto ma-experience at syempre, sagot ko, ‘Yes, I do, I will marry you,’” sabi ni Along.

Sana all! Pinay DH sa Hong Kong, ibinahagi ang sweet LDR love story nila ng Amerikanong bf

Larawan mula kay Along
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gusto rin ni Steven dalhin si Along sa Amerika upang mapakilala sa pamilya niya. Subalit, nahirapan ang mga ito sa pagkuha ng visa. Kaya naman, talagang nagtyaga si Steven turuan si Along lalo na sa pagsasalita ng Ingles.

Sa kabutihang palad ay approved ang visa ni Along at nakapunta siya ng Amerika bilang turista at nakilala niya ang pamilya ni Steven.

Plano nilang dalawa na manirahan na lang sa Bohol. Pero, habang naghihintay si Along kay Steven ay pinagpatuloy niya ang pagtatrabaho sa Hong Kong.

“Ang pinaka importante sa akin ay oras. Magbigay ng oras sa akin at masasabi ko nearly 6 years at wala na ako ibang hiling dahil oras ay lagi nandyan. Wala po lami naging problema, mag-6 years na kami sa relasyon,” sabi ni Along.

Sana all! Pinay DH sa Hong Kong, ibinahagi ang sweet LDR love story nila ng Amerikanong bf

Larawan mula kay Along
Source: UGC

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel