World Health Organization, pinalitan ang pangalan ng 2019 novel coronavirus

World Health Organization, pinalitan ang pangalan ng 2019 novel coronavirus

- Hindi na nCoV kundi COVID-19 na ang pangalan ng dating 2019 novel coronavirus

- Napagdesisyunan ito ng World Health Organization upang mabigyan na talaga ito ng katawagan at hindi na ito i-ugnay sa Wuhan kung saan pinaniniwalaang nagmula ang virus

- Ginawa na itong Corona Virus Disease 2019 o COVID-19 at walang anumang pangalan ng lugar, nasyunalidad, hayop o maging pagkain ang ini-ugnay dito

- Nasa 42,078 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa China kung saan 1,017 na rin ang pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Opisyal nang pinalitan ng World Health Organization (WHO) ang pangalan ng 2019 novel coronavirus.

Ayon sa CNN, kinumpirma ito ni WHO Director-General Tedros Ghebreyesus kung saan sinabi nitong "Corona Virus Disease 2019 o COVID-19" na ang tawag sa kinatatakutang sakit na ito.

Ito ay upang di mai-ugnay ang naturang sakit sa anumang lugar, hayop, nasyunalidad o maging sa pagkain.

“Under the agreed guidelines between WHO, the World Organization for Animal Health and Food and Agriculture Organization, we had to find a name that did not refer to a geographical location, an animal, an individual or group of people, and which is also pronounceable and related to the disease,” paliwanag ng WHO Director-General sa isinagawang press briefing sa Geneva, Switzerland.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula nCoV, tatawagin na itong COVID-19 at ito na ang magiging 'format' sakaling masusundan pa ito ng ibang klase ng coronavirus.

Samantala, nagbigay pag-asa ang WHO sa pagsasabing mayroon pa ring "realistic chance" na mapahinto ang outbreak na ito na kumitil na sa mahigit 1000 buhay ng mga Chinese.

Kasalukuyang nasa 42,078 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa China pa lamang. 393 naman ang naitalang kaso nito sa 24 na bansa kabilang na ang tatlo sa Pilipinas. Isa pa lamang ang naitalang namatay sa labas ng China.

Sinasabing nagmula ang virus na ito sa Wuhan, China sa lugar kung saan pinaniniwalaang nakakakain ng mga exotic animals ang mga tao roon.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica