20 anyos na dalaga, ibinahagi kung gaano katindi at kahirap mawalan ng ina sa murang edad

20 anyos na dalaga, ibinahagi kung gaano katindi at kahirap mawalan ng ina sa murang edad

- Ibinahagi ng isang 20 anyos na dalaga ang kanyang buhay nang pumanaw na ang kanyang ina

- Kwento niya, 3 taong gulang pa lang siya ay nawalan na siya ng ina at tanging tatay na lang niya ang bumuhay sa kanilang magkakapatid

- Matindi ang paghihirap na hinarap niya noong bata pa lang siya pero naninitili siyang positibo sa buhay

- Pursigido rin ang dalaga na makapagtapos ng pag-aaral para tuparin ang mga pangarap niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 20 anyos na dalaga mula sa Gumaca, Quezon, ang nagkwento ng kanyang buhay at ibinahagi ang hirap na pinagdaanan nang pumanaw ang kanyang ina noong bata pa lang siya.

Kinuwento ni Jayanne Magtaas sa KAMI na 3 taong gulang pa lang ay pumanaw na ang nanay niya nang bawiin nito ang sarili niyang buhay.

Apat silang magkakapatid, siya lang ang babae at ang bunso. Hindi naging madali para sa kanila ang lumaki na walang ina. Tanging ang tatay lang nila ang kumayod para buhayin at pag-aralin silang magkakapatid.

20 anyos na dalaga, ibinahagi kung gaano katindi ang kahirap mawalan ng ina sa murang edad

Larawan mula kay Jayanne Magtaas
Source: UGC

“Sobrang hirap lumaki ng walang nanay, minsan maiinggit ka na lang sa mga kaibigan/kaklase mo na buo ang pamilya at masasabi mo na lang na ‘paexperience naman ng may nanay pa sa tabi,’” kwento ni Jayanne.

Bukod sa pagtulong sa mga gawaing bahay, tumutulong din si Jayanne sa pag-alaga ng lola niya na 94 taong gulang na, matapos nitong tumulong sa tatay nila upang alagaan sila noong bata pa sila.

20 anyos na dalaga, ibinahagi kung gaano katindi ang kahirap mawalan ng ina sa murang edad

Larawan mula kay Jayanne Magtaas
Source: UGC

20 anyos na dalaga, ibinahagi kung gaano katindi ang kahirap mawalan ng ina sa murang edad

Larawan mula kay Jayanne Magtaas
Source: UGC

Subalit, ginawa namang inspirasyon ni Jayanne ang pagsubok na hinarap nila upang magsumikap sa buhay.

“Pero minsan dumadating din talaga ako sa point na parang nakakapagod. Nakakapagod maging isang anak, nakakapagod maging kapatid, kaibigan, at estudyante. Minsan akala nila malakas ka pero ang totoo pasuko kana,” sabi ni Jayanne.

“Thankful ako, atleast ngayon kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa na hindi laging nakadepende sa magulang ko, naging partimer o working student ako,” dagdag niya pa.

Habang nag-aaral sa kolehiyo ay kung anu-anong part-time job na ang pinasok ni Jayanne tulad na lang ng pagiging crew sa McDonald’s, barangay police, SPES sa munisipyo, at SK treasurer sa barangay nila.

20 anyos na dalaga, ibinahagi kung gaano katindi ang kahirap mawalan ng ina sa murang edad

Larawan mula kay Jayanne Magtaas
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Payo naman ni Jayanne sa love life ay dapat unahin ang pag-aaral kaysa rito.

“Basta never sacrifice your studies just for love. If you need to choose between the two, choose studying. Love can wait!” sabi niya.

“Basta tuloy lang sa laban ng buhay abutin natin yung mga pangarap natin hindi lang para sa sarili kundi para na din sa magulang natin, mahalin niyo yung mga parents niyo habang sila ay nabubuhay pa at nakakasama niyo pa,” dagdag niya pa.

Para kay Jayanne, naniniwala siyang makakamit din niya ang mga pangarap niya sa buhay dahil sa pagsusumikap matapos ang mga matinding pinagdaanan niya sa buhay.

“Ang success dapat inaakit mo kasi choosy yun, ayaw sa walang effort!” giit niya.

20 anyos na dalaga, ibinahagi kung gaano katindi ang kahirap mawalan ng ina sa murang edad

Larawan mula kay Jayanne Magtaas
Source: UGC

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel