OFW, ibinahagi ang hirap at sakripisyo bilang isang single mom
- Para sa future ng kanyang anak, isang kababayan nating OFW ang tinitiis ang malayo rito at nagsasakripisyo
- Katulad ng marami, isa rin ito sa mga nanay na handang mangibang-bayan para mag-alaga ng anak ng iba
- Hindi rin nawala ang pagmamalupit at hirap para sa isang tulad niya pero sa kabila nito ay hindi ito sumuko
- Sa kabutihang-palad ay naging maayos na rin ang kanyang lagay at unti-unting nang bumubuo ng pangarap sa inaasam na pag-uwi sa Pinas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Hindi na bago para sa ating mga Pilipino ang makarinig ng istorya ng isang ina na nagsakripisyo at nangibang-bayan para sa kanyang mga anak.
At tulad ng libo-libong OFW, isa sa ating kababayan na si Sheryll ang nagbahagi ng kanyang naging simula sa ibang bansa.
Ayon kay Sheryll sa isang panayam ng KAMI, katulad din ng dahilan ng marami, kahirapan ang naging ugat ng kanyang pagsubok mag-abroad.
At dahil single mom, doble ang naging responsibilidad nito bilang magulang.
Nakaranas din daw ito ng pagmamalupit ng kanyang mga amo noong una.
Ngunit sa halip na manaig ang takot para sa sarili, ipinakita nitong nananatili siyang matatag at taas-noo.
Hindi man daw naging maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga amo noong una, maayos pa rin niyang inalagaan ang anak ng mga ito na may special needs.
Sinuklian niya ng kabutihan ang kalupitan at hindi naman nagtagal ay umani ito ng paggalang mula sa mga amo.
Kwento pa ng ginang, sa tuwing nangangailangan siya ng tulong ay mismong ang amo pa niya ang tumutulong sa kanya lalo na pagdating sa pinansiyal na pagsubok.
Sa kasalukuyan, nagpa-plano na itong umuwi sa Pilipinas at magtayo ng sariling negosyo at bumili ng condominium unit sa Bulacan.
At lahat ng ito ay mula sa kanyang pagti-tiyaga na makaraos sa hirap ng buhay para sa kanyang nag-iisang anak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh