27-anyos na OFW, may sarili nang bahay at sakahan sa loob lang ng 2 taon
- Sa loob lang ng mahigit dalawang taon, nakapagpundar na agad ng bahay ang OFW na si Charies Joy
- Suportado siya ng masipag niyang mister na nasa Pilipinas
- Bukod sa sariling bahay, nakabili na sila ng sakahan ng mais
- Sa Disyembre ay pauwi na si Charies Joy upang makapiling na ang kanyang mga mahal sa buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ng isang Pinay OFW ang kanyang kwento ng tagumpay kung paano siya agad na nakapagpundar sa loob lamang ng mahigit na dalawang taon sa Saudi Arabia.
Ayon kay Charies Joy, ayaw niyang makitira na lamang habang buhay.
Kaya naman pinagsumikapan niyang magkaroon sila ng kanyang asawa at dalawang anak ng sariling bahay.
Sa edad niyang 27, unti-unti na raw natutupad ang kanyang mga pangarap.
Laking pasalamat niya na suportado rin siya ng kanyang masipag na mister na naiwan dito sa Pilipinas.
Pagiging masinop lamang daw ang kanyang sikreto sa pagkakaroon ng mga bagay na dati lamang niyang pinangarap.
kaya naman sa loob ng mahigit na dalawang taon, naipatayo na niya ang kanyang pinapangarap na bahay.
Di lamang ito, nakabili na rin sila ng sakahan ng mais na siya ngayong pinagyayaman ng kanyang mister.
Tunay na kahanga-hanga ang kwento ng tagumpay na ito ni Charies na masasabing mapalad dahil maagang nagbunga at nasuklian ang lahat ng sakripisyo at pagsusumikap niya sa Saudi Arabia.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na buong tapang niyang binahagi sa KAMI:
"Charies Joy – DH sa Saudi Arabia , 27 year old, may dalawang anak sa Pinas
2yrs and 2montns na po akong nag tatrabaho dito.
Dati akong Sales lady sa isang motor parts at naisipan kong mag abroad kase gustu kong magkaroon ng sariling bahay at sariling lupang sakahan. Hirap kase kapag nakitera lang sa parents ng husband walang sariling bahay.
Mabuti naman at mababait ang amo ko at mga anak niya.
Ngayon untiunti ng natupad ang mga pangarap ko. My bahay nap o kami sa Valencia bukidnon at my sakahan na ng Mais. Tulungan lang kami ng asawa ko.
Mahirap paniwalaan na nakapagpatayu na agad aq ng bahay masakit marinig sakapwa ko ofw na baka may ibang kababalaghan ang nangyayare imposeble daw. Pero kong masenop kalng 1year sahud worth of 240k wala otang. Dagdagan pa ng mga kapitbahang mong chismosa sabihan kapang seguru kabit ito ng amo niya kahit anong sabihin mo kong hindi mopa matry maging ofw hindi mo mramdaman ang pagiging masenop at madeskarte sa buhay. Iba na kase ang panahun ngayun tagumpay mo ikinagagalit ng kapit bahay at naging motivation ko lahat ng masasakit na salita para mag ipon para sa pamilya.
Sa lahat ng ofw na katulad q sa mga may asawa sa pinas maging masenop lang tayu wag masyadung magastus. Hindi madali ang buhay ditu pagud gutom kolang sa tolog hindi ren namin nabibili ang gusto namin dahil inoona namin ang nasa pinas para sa asawa at anak. Tiwala lang, yong mga pagsobok na domarating ipag dasal lang. Ilagay si god sa center sa buhay niyo isipin niyu kong bakit kayu nanditu. Sa mga relatives nman wag kayu hingi ng hingi kong ano2x bag sandal damit cp hindi po mall ang trabhu namin ditu nasa bahay po kami hindi sales lady. At this coming December owe na ako in God's will hangang ditu nlng"
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh