Doktor na unang nagbabala tungkol sa coronavirus, pumanaw na rin dahil dito
- Pumanaw na ang Chinese doctor na unang nagbigay ng babala tungkol sa coronavirus
- Ayon sa statement na inilabas ng ospital, pumanaw ito nitong Biyernes ng umaga
- Taliwas sa reports ng ilang local media na Huwebes ng gabi ito nasawi
- Bago pa man pumutok ang balita tungkol sa nCoV nagbigay na ito ng babala tungkol sa "SARS-like" virus at kalaunan ay inakusahang nagpapakalat ng "false comments"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Pumanaw na si Dr. Li Wenliang, ang doktor na unang nagbigay ng babala tungkol sa novel coronavirus.
Nasawi ang doktor dahil din sa coronavirus ayon sa statement na inilabas ng Wuhan Central Hospital, ayon sa ulat ng CNN Philippines.
"Our hospital's ophthalmologist Li Wenliang was unfortunately infected with coronavirus during his work in the fight against the coronavirus epidemic," ayon sa statement.
Kasunod ito ng ilang local media reports na namatay si Dr. Li Huwebes ng gabi, nilinaw ng nasabing ospital na Biyernes ng umaga nagpaalam ang doktor matapos ang ilang attempts na i-resuscitate ito.
"He died at 2:58 am on Feb 7 after attempts to resuscitate were unsuccessful," ayon sa ospital.
Disyembre 2019 nang magpost si Dr. Li sa kanilang medical school alumni group sa Chinese app na WeChat tungkol sa pitong pasyente na nagpakita ng mga sintomas katulad ng sa SARS.
Ilang araw matapos nito ay pinatawag siya ng Public Security Bureau at inakusahang nagpapakalat ng "false comments", base sa ulat ng BBC News.
"We solemnly warn you: If you keep being stubborn, with such impertinence, and continue this illegal activity, you will be brought to justice - is that understood?" ayon sa pinirmahang liham ng namayapang doktor matapos siyang ipatawag ng mga awtoridad.
Isa si Dr. Li sa mga inimbestigahan ng mga pulis dahil sa diumano'y pagpapakalat ng "tsismis" tungkol sa virus.
Noong katapusan ng Enero, ipinost ni Dr. Li ang liham na pinirmahan niya sa Chinese website naWeibo.
Matapos nito ay humingi ng paumanhin sa kanya ang mga awtoridad.
Isang linggo matapos siyang ipatawag ay mayroong naging pasyente si Dr. Li na isang babaeng mayroong glaucoma ngunit hindi nito alam na ito pala ay infected na rin ng nCoV.
Nag-post si Dr. Li sa Weibo at sinabing Enero 10 nang magkaroon siya ng ubo at kinabukasan ay nilagnat. Sumunod ay naospital na ito maging ang mga magulang nito.
Ilang beses ding lumabas sa ilang test na negatibo ito sa coronavirus hanggang sa nagpost muli ito noong Enero 30 at sinabing: "Today nucleic acid testing came back with a positive result, the dust has settled, finally diagnosed."
Umani ng paghanga at suporta ang doktor mula sa mga mamamayan dahil dito.
"A safer public health environment… requires tens of millions of Li Wenliang," ayon sa isang netizen.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Batay sa pinakahuling tala, mayroon ng 565 na namatay dahil sa nCoV at mahigit 28,000 ang infected nito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh