Isang pamilya, may bonggang surpresa sa ika-60th bday ng kasambahay nila

Isang pamilya, may bonggang surpresa sa ika-60th bday ng kasambahay nila

- Tampok sa social media ang isang pamilya na may espesyal na surpresa para sa kanilang matagal na kasambahay

- Sa ika-60th birthday ng kasambahay nilang si Occa ay sumakay sila ng eroplano at pumunta sa beach

- Ayon sa netizen, pangarap ni Occa na makasakay ng eroplano kaya ito ang hinanda nila para sa kanya

- Labis din ang tuwa ng netizen dahil nakita niyang sobrang saya ang kasambahay nila na nagsilbing pangalawang ina na rin niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang pamilya sa South Africa ang tila may espesyal na surprsesa para sa ika-60 na kaarawan ng kanilang matagal ng kasambahay.

Nalaman ng KAMI na ang netizen na si Jessica Berger ay binigyan ng isang hindi makakalimutang trip ang kanilang kasambahay at tinupad ang pangarap nitong makasakay ng eroplano.

“Many of you know our domestic worker - Oscarine or Occa as I call her. She has been working for us since I was born and she is my second Mom,” kwento ni Jessica.

“It was recently her 60th birthday and it was my mission to make her dream of going on an airplane come true,” dagdag nito.

Wala umano kaalam-alam si Occa sa pupuntahan nilang lugar para magbakasyon kaya naman labis din ang gulat at saya nito.

“She had NO idea where we were going. The look of excitement on her face when she realized we were headed for the airport is something I will remember for the rest of my life,” sabi ni Jessica.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang trip din daw na iyon ang kauna-unahang beses na pumunta si Occa sa beach.

“A day full of so many laughs and smiles and unforgettable memories made. I’m so grateful that I was able to make this experience possible and share this special day with her,” giit ni Jessica.

Tila memorable talaga ang bakasyon na ito hindi lang para kay Occa kundi para na rin sa mga amo niyang naging pamilya na rin ngayon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel