Pinay DH sa Taiwan, nakalibot na sa iba’t-ibang parte ng mundo at nagpapatayo pa ng bahay
- Isang Pinay sa Taiwan ang nagbahagi ng kanyang kwento bilang domestic helper doon
- Kwento ng Pinay, dahil sa mga amo niya ay nakapunta na siya sa iba’t-ibang mga bansa
- Bukod pa rito, nagpapatayo na rin siya ng kanyang sariling bahay sa Cavite at dinagdagan pa ang sahod niya
- Malaking “blessing” daw sa kanya ang pagpunta sa Taiwan, pero tila may kulang pa rin daw sa buhay niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) sa Taiwan ang kanyang buhay doon bilang isang domestic helper.
Kinuwento ni Celeste Pepito sa KAMI kung gaano siya kasuwerte sa mga amo niya doon dahil mababait ang mga ito.
Ayon kay Celeste, tumutulong siya sa nurse noon sa Maynila para mag-alaga ng pasyente. Subalit, iniwan niya ang trabahong ito para mamasukan sa Taiwan. Limang taon na siya ngayon sa Taiwan at napamahal na rin sa kanya ang mga alaga niyang bata.
“5 years na ako dito sa Taiwan. Swerte ko sa amo ko dahil mababait sila saakin pati ang tatlong bata,” kwento ni Celeste.
“Napamahal na ang mga bata saakin. Ayaw nga nila akong pauwiin ng Pinas dahil ma mimiss daw nila ako,” dagdag pa nito.
Bukod sa mababait ang mga amo, swerte rin si Celeste dahil sinasama siya ng mga ito sa tuwing magbabakasyon sa ibang bansa.
“Sinasama rin nila ako sa lahat ng travels nila. Nakapunta na ako ng SG, 5 times sa Japan, Macau, Bali Indonesia ,Thailand at more to come dahil sa kanila,” aniya.
Dagdag ni Celeste, nagpapatayo na rin siya ng sarili niyang bahay ngayon sa Cavite at nang malaman ito ng amo niya ay dinagdagan pa ang sahod niya.
“Nag papatayo ako ng House and Lot sa Cavite, next month pa siguro matatapos ang bayad ko sa down payment. Nang malaman ng amo ko na nag papatayo ako ng bahay sa Pinas, dinagdagan niya ang sahod ko para daw sa bahay,” kwento niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Pero, kahit masaya na sa Celeste sa trabaho niya ay tila may kulang pa rin rito. 40 anyos si Celeste at sa ngayon ay single siya.
“Ang tanging hiling ko nalang ay matagpuan si Mr. Right,” sabi niya.
Labis ang pasasalamat ni Celeste sa mga amo niya dahil naging “blessing” ang kanyang pagpunta sa Taiwan.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh