Grade 12 student, nagbigay pugay kay Kobe Bryant sa kanyang 'chalk art'
- Viral ang larawan ng isang Grade 12 student na iginuhit si Kobe Bryant sa kanilang blackboard
- Gamit lamang ang chalk, mahusay na naiguhit ni John Herbert Santiago ang yumaong NBA superstar
- Ito raw ang kanyang paraan ng pagbibigay pugay sa basketball superstar na inspirasyon ng marami
- Maging ang kanilang class adviser ay ayaw nang ipabura ang 'chalk art' na ito dahil sa ganda at galing ng pagkakaguhit ng kanyang estudyante
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Mabilis na nag-viral ang chalk art ng isang Grade 12 student ng Panipuan High School kung saan iginuhit niya ang NBA superstar na si Kobe Bryant.
Gamit lamang ang chalk, nagbigay pugay si John Herbert Santiago sa pumanaw na NBA legend kamakailan.
Ito raw ang kanyang paraan ng pag-alala kay 'Mamba' na nagsilbing inspirasyon sa marami lalo na sa larangan ng basketball.
Napakagaling at napakahusay ng pagkakagawa ni John Herbert na sa unang tingin ay di aakalaing chalk lamang ang ginamit nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Maging ang kanyang class adviser ay ayaw nang burahin ang chalkboard art at hayaan na lamang daw itong manatili roon.
Umani ng papuri si John Herbert sa galing nito sa pagguhit. Katunayan, sa loob lamang ng isang oras mula nang ibahagi ng ABS-CBN ang post, umabot na sa 37,000 ang positibong reaksyon nito.
Pumanaw ang NBA superstar na si Kobe Bryant nitong Linggo, Enero 26 sa isang helicopter crash.
Kasama nitong nasawi ang anak na si Gianna. Sa naunang ulat ng KAMI nabanggit na patungo sana ang mag-ama sa basketball tournament ni Gianna kung saan tumatayong coach si Kobe ng team ng anak.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh