Premonisyon ng isa pang Pinoy psychic tungkol sa nakakikilabot na "The Big One", viral

Premonisyon ng isa pang Pinoy psychic tungkol sa nakakikilabot na "The Big One", viral

- Isa raw sa nakikita ng Pinoy psychic na si Rudy Baldwin ay ang posibilidad na maganap ang "The Big One"

- Marami at halos lahat daw kasi ng 'visions' ni Rudy ay nagkakatotoo

- Isa na rito ang binahagi ng mga netizens na premonisyon nito ukol sa isang kilalang celebrity sa ibang bansa na papanaw dahil sa "sasakyang panghimpapawid"

- Ayon pa mismo kay Rudy, maging siya ay mararanasan ang The Big One at mapaminsala raw talaga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na lumabas sa programang Kapuso Mo Jessica Soho, mabilis na napansin ng mga netizen ang Pinoy psychic na si Rudy Baldwin.

Laking gulat pa nga ng marami nang malamang isa pala siyang babae.

Marami-rami na rin kasi siyang naibahaging mga 'visions' daw niya na di umano'y nagkatotoo raw.

Ilan sa mga ito ay ang paglindol, pagputok ng bulkan at maging numero sa lotto ay kanya raw nakikita. Katunayan, mangilan-ngilan na rin ang mga tumama sa mga numerong kanyang ibinigay.

Isa na rin dito ang di umano'y tumugmang prediksyon nito tungkol sa kilalang celebrity sa ibang bansa na papanaw dahil sa sinasakyan nitong sasakyang panghimpapawid. Una na na itong naiulat ng KAMI.

Ngunit ang tila tumatak sa isip ng mga netizens ay nang sabihin nito ang posibilidad na mganap ang 'The Big One.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang 'The Big One' ang mapaminsalang lindol namaari raw maganap anumang oras at posibleng ikamatay ng maraming tao sa Metro Manila kung ito ay magaganap.

Dagdag pa ni Rudy, maging siya raw ay walang kawala at mararanasan din ito.

Mabilis lamang daw itong magaganap ngunit malakas daw talaga.

Ayon pa kay Rudy, di raw niya intensyon ang manakot. Ang sa kanya raw ay pawang mga babala lamang upang tayo'y makapag-ingat saan man at anumang oras.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ng programang KMJS:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel