Nakakikilabot na premonisyon ng Pinoy Psychic kaugnay daw sa pagkasawi ng NBA legend, viral

Nakakikilabot na premonisyon ng Pinoy Psychic kaugnay daw sa pagkasawi ng NBA legend, viral

- Mabilis na naglabasan muli ang premonisyon ni Rudy Baldwin kaugnay di umano sa pagkamatay ng NBA legend na si Kobe Bryant

- January 3 nang kanya itong i-post sa kanyang Facebook page at tila naalala ito ng ilan sa kanyang mga tagasubaybay

- Nabanggit kasi ni Rudy ang pagkasawi ng isang Pinoy celebrity at isang sikat din mula sa ibang bansa

- Ang dahilan umano ng pagkamatay ng mga ito ay ang sinasakyan nitong pang himpapawid

- Lulan si Kobe at ang kanyang anak na si Giane ng isang helicopter na isang sasakyang panghimpapawid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malungkot na umaga ang sumalubong sa mga basketball fans sa balitang nasawi sa isang helicopter crash ang NBA legend na si Kobe Bryant.

Matapos pumutok ang nakapanlulumong balita na ito, agad namang nag-viral muli ang post ng Pinoy Psychic na si Rudy Baldwin na mabilis na naiugnay ng mga netizens sa pagkasawi ng NBA superstar.

Ayon sa post ng psychic noong Enero 3, nakikita niyang isang Pinoy at isang foreign celebrity ang mamamatay dahil sa sinasakyan nitong pang-himpapawid.

Tila naalala ito ng mga masusugid na tagasubaybay ni Baldwin at muling ibinahagi ang kanyang nakakikilabot na post.

Nasawi si Kobe kasama ang kanyang 13-anyos na anak na babae na si Gianna sa plane crash sa Calabasas, California.

Ayon sa mga saksi, nakarinig lamang umano sila ng ingay sa makina ng helicopter bago maganap ang pagbagsak.

Bukod sa anak ni Kobe, kasama rin nilang nasawi ang apat pang lulan ng private plane.

Naiwan ng 41-anyos na NBA superstar ang mga anak niyang sina Natalia, Bianca at ang bagong silang na si Capri gayundin ang misis nitong si Vanessa.

Si Bryant ay tubong Philadelphia at nagkamit ng labis na kasikatan nang maging bahagi siya ng LA Lakers sa loob ng 20 taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makailang beses na rin siyang dumalaw sa Pilipinas kaya naman mas lalo siyang napalapit sa kanyang mga Filipino fans.

Samantala, bukod sa premonisyon ni Baldwin patungkol sa mga artistang papanaw dahil sa plane crash, mayroon din daw umano itong nakitang artista na maaring kitilin ang sariling buhay dahil sa matinding depresyon.

Ayon sa mga netizens, hindi naman daw sila basta-basta nakukumbinsi ng mga premonisyon ngunit nagkataong karamihan ng hula ni Baldwin ay tila nagkakatotoo.

Isa rin kasi si Baldwin sa mga Pinoy psychic na nakahula raw ng pagputok ng Taal ayon sa mga netizens na nakasubaybay sa kanyang page.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel