Netizens, nag-react sa pagkain ni Pangulong Duterte sa 1 karinderya

Netizens, nag-react sa pagkain ni Pangulong Duterte sa 1 karinderya

- Umani ng papuri si Pangulong Duterte mula sa mga Pinoy netizens matapos itong maispatan na kumakain sa isang simpleng karinderya

- Kilala ang Pangulo bilang simple maging sa kanyang pagkain

- Kaya naman hindi naiwasan ng iba ang punahin ang kanyang pagiging humble

- Ngunit kung mayroong natuwa, mayroon din namang binatikos pa ang Pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Maraming Pinoy netizens ang natuwa sa pagkain ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang simpleng karinderya.

Sa ilang larawang ibinahagi ni Senator Bong Go sa kanyang official Facebook page, spotted ang Pangulo habang tila enjoy na enjoy sa kanyang pagkain.

Kilala si Pangulong Digong bilang simple maging sa kanyang pagkain. May ilang pagkakataon na nakita itong kumakain sa mga fastfood chain restaurants.

Kaya naman hindi naiwasan ng marami ang punahin ang pagiging humble ng Presidente ng bansa.

Ngunit kung mayroong natuwa, mayroon din namang binatikos pa ang Pangulo.

"Simple pero napaka angas . ganyan ang pangulo ng Pilipinas mabuhay kayo tatay digong big salute!"
"Very simple and humble man with a golden heart. Viewing from Maryland USA."
"Ang ibang mga Politiko Ayaw kumain ng ganyan klaseng kainan nandidiri pero ang Pangulo sarap na sarap sana lahat na mga Politiko KATULAD ng PANGULONG DUTERTE WALANG KEYEME."
"Nakaka proud ang pangulo namin walang sino an na presidente na ganyan down to earth."
"The difference between Digong vs trapo politicians when eating in carenderia is that Digong has been doing this for ages while the latter are just doing it for publicity stunt. Mayor pa yan dito sa Davao sa karenderya na yan kumakain."
"At least si mayor pwede sya sa karinderia at maliit na resto,at hindi nya nilulustay ang pera ng bayan sa mga magagarbong mga bisyo sa buhay..i salute you mayor!!!dapat ganyan lahat walang kaartehan."
"Sana magsabay kami ng kain ni Tatay Digong dyan minsan."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rodrigo Roa Duterte o mas kilala bulang ‘Digong’ o ‘Rody’ ay ang panglabing anim na presidente ng Pilipinas.

At kauna-uanahan na galing sa Mindanao. Sa edad niyang 71, siya na ang pinaka matandang naging president ng Pilipinas.

Si Digong din ang isa sa may pinakamahabang taon ng serbisyo sa pagiging Mayor ng Davao City na may 7 termino o 22 taon sa serbisyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone