Binatilyong mahilig sa milk tea, tinubuan ng bukol sa bituka dahil dito

Binatilyong mahilig sa milk tea, tinubuan ng bukol sa bituka dahil dito

- Dahil sa milk tea, isang binatilyo sa China ang nahirapang dumumi at dumaing ng pananakit ng tiyan

- Nang dalhin ito sa ospital, nadiskubreng may namuong mga bukol sa loob ng bituka nito na naging dahilan ng hirap na pagdumi nito

- Kinailangan pa itong operahan dahil mas lumala umano ang lagay nito

- Napag-alaman din na mahilig ito sa milk tea at uminom ng ilang baso nito bago dumaing ng pananakit ng tiyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Isang binatilyong mahilig sa milk tea sa China ang kinailangang operahan matapos dumaing ng pananakit ng tiyan.

Sa isang report na inilabas mula sa Xinxiang Medical University, sa Henan Province sa Central China, sinabing may dalawang bukol na namuo sa loob ng bituka ng 13-anyos na binatilyo.

At ang pananakit ng tiyan nito ay dahil sa mga bukol na ito pumipigil sa pagdumi nito ayon kay Dr. Zhang Haiyang, ang Pediatric surgeon na sumuri rito, ayon sa report ng Nine News (Author, Olivana Smith Lathouris).

Ito ay tinatawag na faecaliths o "stones made of faeces".

"Around 3am while I was on call, a 13-year-old boy was brought in with sudden abdominal pain," anito. "X-rays pointed to bowel obstruction".

Inoperahan ang binatilyo isang araw matapos itong isugod sa ospital dahil mas lumala ang lagay nito.

"While inspecting his intestines, we discovered two solid objects, one larger and one smaller," ayon pa sa doktor. "These two objects were causing his obstruction."

Matapos suriin ang bukol, pinili ng mga doktor na huwag muna itong tanggalin sa pamamagitan ng procedure.

"About two or three days after the surgery, he was able to pass them out with his stool," ani Dr. Zhang.

Samantala, napag-alaman naman na uminom ito ng milk tea, isang linggo bago ito makaramdam ng pananakit ng tiyan at sinabi ng binatilyo na hindi raw pala nito ngininguya ang mga bubble tea.

Ilang araw pa ang lumipas ay uminom muli ito ng milk tea at ganoon pa rin ang ginawa nito.

"It's therefore very likely that the tapioca pearls stuck together, causing his bowel obstruction," ayon pa sa doktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang report ng , nagbigay naman ng babala ang isang doktor kaugnay sa pag-inom ng milk tea.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone