Misis, "divorce" ang hiling sa mister na di naliligo sa loob ng 10 araw

Misis, "divorce" ang hiling sa mister na di naliligo sa loob ng 10 araw

- Humingi na ng tulong ang isang misis na hindi na masikmura ang mister na bihirang maglinis ng katawan

- "Divorce" ang sigaw ng misis dahil halos hindi maligo ang mister at bihira ring magsepilyo at mag-ahit ng bigote

- Ang masaklap pa nito, nakakaya ng mister na hindi maligo sa loob ng sampung araw kaya naman iba na talaga ang amoy nito

- Binigyan lamang ang mister ng dalawang buwan upang magbago at ayusin ang pangangalaga sa sarili at kung hindi, maaring pagbigyan ang kahilingan ng misis nito na tuluyang makipaghiwalay sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang kakaibang rason ng 20 anyos na misis na si Soni Devi na nais hiwalayan ang 23 anyos na mister na si Manish Ram.

Ayon sa Republic World News, "divorce" ang sigaw ni Soni sa asawang bihirang maligo at hindi malinis sa sarili.

Dumulog ang misis sa State Women's Commission (SWC) ng Vaishali district ng Bihar sa India para i-reklamo ang mister.

Natitiis daw kasi nitong hindi maligo sa loob ng 10 araw at bihira rin itong mag-ahit at mag-sepilyo.

Dagdag din ng misis na dahil sa gawi na ito ng mister, nagiging malamig na rin sila sa isa't isa kaya ninais na lang sana ng misis na tapusin ang kanilang pagsasama sa legal na paraan.

Dininig naman ito ng SWC ngunit binigyan ang mister ni Soni ng dalawang buwan upang mag-ayos ng sarili.

Misis, hiniwalayan ang mister na di naliligo sa loob ng 10 araw

source: Tribune
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kung sa loob ng panahong ibinigay ay di siya nagbago, saka sila magdedesisyon kung papayagan nang tuluyan na paghiwalayin ang dalawa.

Ayon naman sa mister, gagawin daw niya ang nararapat upang maisalba pa rin ang kanilang pagsasama ng misis.

Maaring kakaiba at di pangkaraniwan ang dahilan ni Soni ng pagkikipag-hiwalay ngunit sadyang mahirap makisama sa taong di malinis sa sarili lalo na kung ito ay iyong asawa na nakatakdang makasama mo habang buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel