Kahit kalmado! Awtoridad, nagbabala sa mga panganib na dulot ng Taal Volcano
- Sa kabila ng pagkalma ng Taal Volcano sa nakalipas na ilang araw, mayroon pa ring nakaambang panganib ang bulkan ayon sa PHIVOLCS
- Nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang bulkan at mayroong halos 800 volcanic earthquakes ang naitala
- Ipinaliwanag din ng mga awtoridad na mas delikado ang Taal Volcano lalo pa at bumukas na raw ang magmatic chamber nito
- Patuloy pa rin ang pag-monitor dito at ang mahigpit na pagbabantay sa mga danger zone ng Taal
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Sa kabila ng pagkalma ng Taal Volcano sa nakalipas na ilang araw, mayroon pa ring nakaambang panganib ang bulkan ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang bulkan at mayroong 787 volcanic earthquakes ang naitala hanggang sa huling 24 oras, ayon sa ulat ng CNN Philippines.
Nangangahulugan daw ito na patuloy ang pag-akyat ng magma mula sa loob ng bulkan na posibleng sumabog anumang oras o araw.
"We are looking at all of the scenarios and lagi po nating ina-assess hourly, daily 'yung monitoring ng data at applicability ng alert level. At kami na po ang magsasabi kung kailangan na tayong magbaba," sabi ni Chief Mariton Bornas ng Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division.
"Nagkakaroon pa rin po tayo ng minor eruptions, walang sign na malakas as of the moment. Maaaring magkaroon pa rin ng phreatomagmatic eruptions, and then meron of course malakas na expulsion ng gas. Mapanganib 'yung mga 'to," dagdag pa nito.
Nangangamba rin daw ang ahensiya sa mga patuloy na volcanic earthquakes na naitatala dahil sa aktibidad ng bulkan, lalo pa bukas na ang magmatic chamber nito.
"Medyo nababagabag kami sa aming nakalap na monitoring data. Kapag nag-umpisa ulit [ang eruption], napakaliit ng lead time lalo na ngayong nabuklat na ang bulkan kasi nung una, closed system pa siya na hindi pumuputok...so mas lala na po ngyon na open na ang bulkan, mabilis na po ang pagsampa ng magma, wala nang pumipigil sa kanya na pressure," ani Bornas.
Patuloy pa rin ang pag-monitor dito at ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa mga danger zone ng Taal
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, sa isa pang ulat ng , isang babae ang nasawi habang nasa evacuation center sa Batangas.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh