Walastik sa galing! Pinoy artist, ipinamalas ang kanyang makulay na buhay at talento

Walastik sa galing! Pinoy artist, ipinamalas ang kanyang makulay na buhay at talento

- Ibinahagi ng isang Pinoy artist ang kanyang makulay na buhay at talento sa pagguhit ng mga tao

- Walang nagturo umano sakanya gumuhit at kusa na lang niya itong natutunan simula bata pa lang siya

- Kalimitan sa mga gawa niya ay mukha ng mga sikat na artista tulad nila Vice Ganda, Jane de Leon, Kim Domingo, at Robi Domingo

- Bukod sa pagguhit ay nagsimula na rin siyang mag-vlog upang magbigay inspirasyon sa iba na gusto rin maging artist

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang talentadong Pinoy ang nagpamalas ng kanyang kakaibang talento sa pagguhit ng mga tao.

Nalaman ng KAMI na ang artist na si Gary Bonguit ay galing Laguna at tanging sarili niya lang ang nagturo sa kanya mag-drawing.

Kwento ni Gary, bata pa lang siya ay mahilig na talaga siya gumuhit. Kalimitan sa mga gawa niya ay mukha ng mga tao o portraits na gawa sa uling, graphite, at pastel.

Kalimitan sa mga ginagawa niya ay mukha ng mga artista. Swerte ni Gary dahil naibibigay niya ng personal ang mga gawa niya sa mga sikat na artista tulad na lang nila Vice Ganda, Jane de Leon, Kim Domingo, Robi Domingo, at Kylie Alcantara.

“Bilang isang ordinaryong tao, masarap sa pakiramdam at hindi ko maexplain ang aking nararamdaman sa tuwing nagugustuhan at humahanga ang mga tao sa aking mga obra,” sabi ni Gary.

“Sapat na sa akin ang makita ko sila at maibahagi ang aking Likha at ni minsan ay hindi ako humingi ng kapalit,” dagdag niya pa.

Ginamit ni Gary ang kanyang talent upang maiangat sa hirap ang kanyang pamilya.

“Ipakikita ko na ang Tulad kong Dugong Bahaghari ay may ipagmamalaki at natatangi ding Talento na masasabi kong Sandata para maihahon sa kahirapan ang aking pamilya,” aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging artist ay nagsimula na rin siya ng kanyang Youtube channel at gumagawa ng mga vlogs.

Dagdag ni Gary, gusto niyang ibahagi ang kanyang talent at mga natutunan sa pagguhit sa ibang mga Pinoy na nais din maging artist tulad niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel