Mananahi sa Lipa, namahagi ng ginawa niyang face masks sa mga biktima ng pagsabog ng Taal

Mananahi sa Lipa, namahagi ng ginawa niyang face masks sa mga biktima ng pagsabog ng Taal

- Proud na binahagi ng anak ang larawan ng ina na nananahi ng mga face mask para raw sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal

- Dahil daw di nila kayang magbigay ng tulong pinansyal, naisipan ng kanyang ina na manahi ng face mask na kailangang-kailangan ng mga evacuees

- Nabalitaan din kasi nila na biglang taas ng presyo ng face mask kaya naman naisipan din nila itong gawin

- Nakapamahagi na raw sila ng nasa 200 na natahing face mask at patuloy pa rin na nananahi ang kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Mary Ann Mantuano ang mga larawan ng kanyang ina na matiyagang nananahi ng mga face mask.

Sa post ni Mary Ann, sinabi niyang nais talagang makatulong ng kanyang inang si Rosalina sa biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Nalaman ng KAMI na isa pala talagang mananahi si Nanay Rosalina kaya naman naisipan niyang gumawa ng face mask na pangunahing pangangailangan ng mga evacuees.

Nabalitaan din daw kasi nila ang biglang pagtaas ng presyo nito kaya naman mas lalo nilang minarapat na gumawa at ipamahagi.

Di rin daw kasi kaya ng pamilya ni Mary Ann na makapagbigay ng tulong pinansyal, ayon sa panayam sa kanya ng CNN, ngunit sa kanilang paraan na kaya tulad ng pananahi, nakapagbahagi na sila ng nasa 200 na face mask.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Patuloy pa raw na gumagawa ang kanyang ina upang mas marami pa ang matulungan at makinabang ng mga ginagawa nitong face mask.

Super proud daw si Mary Ann sa kanyang ina na sadyang matulungin sa mga taong nangangailangan.

Dahil dito, umabot na sa mahigit 106,000 ang positibong reaksyon ng post at naibahagi na rin ito ng nasa 5,800 na beses dahil tunay namang nakaka-inspire ang ginawa na ito ni Nanay Rosalina.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica