2 pang bulkan sa Pilipinas, nasa Alert Level status din tulad ng Taal Volcano

2 pang bulkan sa Pilipinas, nasa Alert Level status din tulad ng Taal Volcano

- Bukod sa Taal Volcano na nananatili sa Alert Level 4, dalawa pang bulkan sa Pilipinas ang nasa alert level status ayon sa PHIVOLCS

- Ang Mayon Volcano sa Albay ay nasa Alert Level 2 na simula pa noong Marso 2018

- Habang ang Bulusan Volcano sa Sorsogon naman ay nasa Alert Level 1 simula pa noong Mayo 2019

- Samantala, nagpaalala naman ang mga awtoridad na huwag magpakalat ng mga "fake news" na maaaring makapagdulot ng panic sa mga mamamayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Bukod sa Taal Volcano sa Batangas na nananatili pa rin sa Alert Level 4, mayroon pang dalawang bulkan sa Pilipinas ang nasa alert level status ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang Mayon Volcano sa Albay ay nasa Alert Level 2 na simula pa noong Marso 29, 2018, na una nang naibalita ng .

Ayon naman sa isang ulat ng Inquirer, sinabi ni Paul Karson Alanis, officer-in-charge sa Mayon Volcano Observatory sa Albay, sa pamamagitan ng isang mensahe, na: “the steaming and the emission of white smoke from its crater is just a normal sign for an active volcano.”

Ito ay matapos magdulot ng takot sa marami ang ilang napapabalita sa social media na posibleng pagsabog ng Mayon Volcano matapos ang Taal Volcano eruption.

Habang ang Bulusan Volcano sa Sorsogon naman ay nasa Alert Level 1 simula pa noong Mayo 5, 2019.

Ayon sa PHIVOLCS ang ibig sabihin ng Alert Level 1 ay: "indicates that hydrothermal processes may be underway beneath the volcano that may lead to steam-driven eruption."

Samantala, nagbabala ang ahensiya na huwag munang bumalik ang mga residente sa Taal dahil sa delikadong sitwasyon doon.

Sa isang report ng , sinabi ni PHIVOLCS Director USEC. Renato Solidum na posibleng magkaroon pa ng mas malakas na pagsabog ang Taal Volcano.

"Inaasahan nating magpapatuloy pa ang activity ng Taal Volcano at hindi natin inaalis 'yung posibilidad na magkaroon ng mas malakas pang pagsabog kung sakaling ang magma na umaakyat ay bumilis," anito.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad na huwag magpakalat ng mga "fake news" na maaaring makapagdulot ng panig sa mga mamamayan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone