Jenine Desiderio, bumuwelta sa mga fans ng kanyang anak na si Janella Salvador

Jenine Desiderio, bumuwelta sa mga fans ng kanyang anak na si Janella Salvador

- Hindi napigilan ni Jenine Desiderio na bumuwelta sa mga fans ng anak na si Janella Salvador

- Ito ay matapos niyang magpost sa Twitter ng mensahe tungkol sa pagbibigay halaga sa pamilya

- Inalmahan naman ito ng mga tagahanga ni Janella at iniugnay ang kanyang tweet sa anak nito

- Hindi nagpatinag si Jenine at nagpaalang huwag siyang galitin at baka makapagsalita siya tungkol sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila hindi pa tapos ang tampuhan ng mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador. Ito ay matapos sagutin ni Jenine ang mga patutsada ng mga tagahanga ng anak niya sa social media.

Isang tweet ang ibinahagi ni Jenine tungkol sa pagmamahal sa pamilya.

Aniya, "If you expect unconditional love, stop & ask yourself truthfully if that's also what you give. Family is not like a book that you pick up only when it's convenient for you. Relationships need to be maintained."

Jenine Desiderio, bumuwelta sa mga fans ng kanyang anak na si Janella Salvador

Jenine Desiderio, bumuwelta sa mga fans ng kanyang anak na si Janella Salvador
Source: Instagram

Ayon naman sa isang fan ni Janella, ang post na iyon ni Jenine ay para sa anak niya.

Jenine Desiderio, bumuwelta sa mga fans ng kanyang anak na si Janella Salvador

Jenine Desiderio, bumuwelta sa mga fans ng kanyang anak na si Janella Salvador
Source: Twitter

Pagtatanggol pa ng Twitter user na may handle na @Love02728460, napagplanuhan na ni Janella na magdiwang ng pasko kasama ang kanilang pamilya.

Jenine Desiderio, bumuwelta sa mga fans ng kanyang anak na si Janella Salvador

Jenine Desiderio, bumuwelta sa mga fans ng kanyang anak na si Janella Salvador
Source: Instagram

Hindi nagpatinag si Jenine sa sinabi ng tagahanga ni Janella at nagbanta na huwag siyang i-provoke dahil kapag siya diumano magsalita, kakamuhi-an ang Kapamilya actress.

Jenine Desiderio, bumuwelta sa mga fans ng kanyang anak na si Janella Salvador

Jenine Desiderio, bumuwelta sa mga fans ng kanyang anak na si Janella Salvador
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang mag-ina noong magkarelasyon pa lamang sina Janella at Elmo Magalona. Gayunpaman, nagkaayos sila matapos ipagtanggol ni Jenine ang kaniyang anak matapos aminin ni Janella na sinaktan diumano siya ng dating karelasyon.

Sa naunang ulat, ibinagahagi ni Janella ang dahilan kung bakit niya napagpasyahahang manirahan na hindi kasama ang kanyang ina.

Si Janella Maxine Desiderio Salvador o kilala sa kanyang screen name na Janella Salvador ay isang aktres, singer at product endorser. Nakilala siya sa kaniyang pagganap sa ilang palabas gaya ng Oh My G!, Born for You, So Connected at The Killer Bride.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel